Thursday, November 1, 2012

Gerald Anderson Taob na kila Xian at Kim Love team

Ngayon pa lamang ay inaabangan na lahat ng tagahanga nina Gerald Anderson at Kim Chiu ang muling pagsasama ng kanilang mga idolo sa isang pelikula. Malapit nang mapanood sa mga sinehan ang special 20th anniversary presentation ng Star Magic na 24/7 In Love kung saan kasama sina Gerald at Kim.

Ano kaya ang reaksiyon ni Xian Lim sa muling pagtatambal ng dalawa lalo pa’t ang binata ang napababalitang nanliligaw kay Kim ngayon? “I said in my previous interviews, even before I came to the Phi­lippines napapanood ko na sila. I would say I’m one of their fans. I would say I’m happy for them,” nakangiting bungad ni Xian. Kamakailan ay nag-post si Gerald sa Instagram ng publicity photo nila ni Kim para sa nasabing pelikula at kaagad itong umani ng suporta mula sa Kimerald fans. Ano kaya ang masasabi ni Xian tungkol dito? “Hindi ko pa nakikita. Nakakatuwa ang Instagram. You get to see what people are doing tsaka supportive naman ako sa lahat ng movies, sa lahat ng anything,” giit pa ng aktor.

Samantala, mas marami naman daw nagla-like sa mga Instagram photos nina Xian at Kim kaysa kina Gerald at Kim. “Wala naman tayo sa ‘likes’, I guess kanya-kanyang posts ‘yan. Pero thank you sa lahat ng sumusuporta,” pagtatapos ni Xian.

No comments:

Post a Comment