Monday, November 5, 2012

Jennylyn Mercado at Luis Manzano, nag-nature trip sa Dubai

Masayang ang naging nature trip ng showbiz couple na sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano sa Dubai.

Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Lunes, ito raw ang unang pagkakataon ni Luis sa nasabing lugar kaya naman talagang sinulit nilang dalawa ang bakasyon.

Sinubukan din nina Luis at Jennylyn ang mga sikat na libangan sa Dubai tulad ng sand boarding at shark diving.

Maliban dito, nag-sky dive rin si Luis ngunit hindi na sumama pa si Jennylyn dahil sa kanyang heart condition.

Walong buwang ang pagpa-plano ng dalawa sa kanilang bakasyon dahil gusto raw nilang magkaroon ng oras para sa isa't-isa sa kabila ng kanilang busy schedule.

No comments:

Post a Comment