Monday, November 19, 2012

Lovi Poe, hindi kinaya ang love scene sa 'The Bride and the Lover'

Tuloy-tuloy ang trabaho ngayon ng Kapuso star na si Lovi Poe dahil bukod sa kanyang afternoon prime soap na “Yesterday's Bride,” pasok din ang dalawang pelikula na pinagbibidahan niya sa 2012 Metro Manila Film Festival — ang “Thy Womb” at “Shake, Rattle, and Roll XIV.”

Sa susunod na taon naman ay ipalalabas na ang kanyang sexy drama movie kasama sina Jennylyn Mercado at Paulo Avelino na "The Bride and the Lover" na idinirekta ni Joel Lamangan.

Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Martes, naging emosyonal pa raw ang aktres matapos siyang kuhanan ng isang eksena sa nasabing sexy drama movie. Hindi raw kasi nito inakala na mapapasabak siya sa matinding love scene.

Aniya, "Hindi ko siya kinaya. No, honestly I cried after. Then this one is just... sabi ko nga after this I wanna rest muna from it, from doing sexy and stuff first siguro. Medyo na ano ako, nabigla."

Samantala, ikinatuwa naman ni Lovi ang magandang feedback ng mga Kapuso at tagasubaybay sa unang linggo ng kanyang afternoon prime soap na “Yesterday's Bride” kung saan kasama niya ang mga aktor na sina Rocco Nacino at Luis Alandy.

Sa isang live chat kasama ang fans kamakailan, panay papuri ang natanggap niya sa kanyang pagganap bilang si Andrea sa nasabing palabas.

Kwento pa ni Lovi, "I'm happy naman sa nangyari and marami naman sumoporta kaya nagpapasalamat ako. I think it's very interesting. Siyempre lahat naman tayong mga Filipino masarap ma-in love, ganyan, and 'yung love ni Andrea at saka ni Justin parang it is so unforgettable

No comments:

Post a Comment