Tuesday, November 6, 2012

Regine Velasquez-Alcasid reminisces early days in showbiz

Sa unang pagkakataon, isang episode ng Hot Pinoy Talk ang kinunan sa labas ng aming studio.

Naganap ang espesyal na panayam kay Regine Velasquez-Alcasid sa bahay ng kanyang kapatid na si Cacai Velasquez- Mitra sa Loyola Grand Villas, Quezon City.

Sa unang bahagi ng interview, inusisa ng Hot Pinoy associate editors, Erwin Santiago at Rommel Llanes, ang pagsisimula ng career ng Asia’s Songbird.

Mahigit twenty-five years na sa showbiz si Regine at ipagdiriwang niya ito sa pamamagitan ng isang malaking concert, ang Silver, na gaganapin sa November 16, Friday, sa Mall of Asia Arena.

ERWIN: You’re celebrating your 25th anniversary with a big, big, concert, yung Silver.

REGINE: Yes. Actually, yung 25 years ko, last year. Kaya lang I got pregnant, so I rested for the first time ever in 25 years. So 'etong year na ‘to is actually my 26th year, pero ngayon namin ise-celebrate yung 25 years.

ROMMEL: Pero Reg, kasi di ba 25 years yun? In your climb to where you are now, siyempre marami kang struggles and rejections na naranasan. So, may matindi ba na nakapag-paano sa ‘yo para mas magsumikap pa lalo para maabot yung gusto mo?

REGINE. Uhm, siguro kahit ano namang career ang piliin mo, bibihira lang yung hindi ka masyadong nag-i-struggle. And plus, it’s part of growing up.

Pag naabot mo yung gusto mong maabot, parang it’s sweeter, di ba? Parang you enjoy it more. So I think normal lang na may kaunti or maraming struggle.

Wala naman akong maalalang particular na instance na made me want to work harder.

Basta ang gusto ko lang, meron akong aim, meron akong gustong ma-achieve. So I kept working hard. Yun lang yun.

RISE TO FAME. Katulad ng maraming singer ay nagsimula sa Regine sa pagsali sa iba’t-ibang singing competitions.

ERWIN: Ang Bagong Kampeon, you won [in] that competition. Pero ganun ba kadali yung pagpasok mo sa industry kaagad? Agad-agad?

REGINE: Ah, hindi. Hindi masyado. Kasi I started joining amateur singing contests.

Ang tagal nun, matagal pa. Tapos when I joined Ang Bagong Kampeon, that was in 1984. 1985 I was able to record one single, pero hindi naman din kaagad parang…

ERWIN: What single was that?

REGINE: “Love Me Again.” Parang isang single lang yung na-record ko.

Although I was very excited, kasi feeling ko parang professional na ko, hindi na 'ko sasali ng mga singing contest.

Pero hindi pa rin naging ganung kadali, until I met Ronnie Henares, who became my first manager, and he was the one who changed my name.

ERWIN: From Chona Velasquez to Regine Velasquez. Paano na-coin yung Regine? Saan galing yung Regine?

REGINE: Kasi they found out that my real name is Regina. Sabi nila na parang mas okay na "Regine." So pinalitan na nila ng "Regine."

RONNIE, POPS, KUH. Bukod sa unang manager niyang si Ronnie Henares, ilang mga singers ang naging instrumental sa pagsikat ni Regine.

ROMMEL: Nung Chona ka pa lang, nung papasok ka pa lang sa showbiz, kanino ka unang na-starstruck? Yung pagpasok mo pa lang, "Ay, eto pala yun!"

REGINE: Uhm, sino bang una kong nakita? Uhm, parang lahat!

Kasi, bilang baguhan, so siyempre di ba lahat ng nakikita ko, na-i-starstruck ako? Kasi parang lahat nakapag-umpisa na, ako yung papunta pa lang, parang ganun.

Siguro pinaka-nastarstruck ako, kasi una ko, isa siya sa mga pinakauna ko nakita, plus, I’m also a fan—si Pops [Fernandez] at si Martin [Nievera].

ROMMEL: Kamusta yung first meeting niyo?

REGINE: E, si Pops mabait talaga yun, e. Right away, she treated me na friend.

I always say nga na she’s one of the people who discovered me, kasi siya yung unang nag-suggest na mag-guest ako sa Penthouse Live!

And Ronnie used to be the, ano nga ba siya dun, executive producer of Penthouse Live! So dun ko siya nakita.

ERWIN: Yung Penthouse Live! yung show nina Martin and Pops... Pero na-mention mo na si Pops and si Ronnie Henares. Of course, your father, si Mang Jerry, talaga yung humubog sa ‘yo. Pero sino pa yung ibang influential people dun sa career mo?

REGINE: Idol ko talaga si Kuh Ledesma. Tapos, when I was 17, she produced the very first concert na nagawa ko, which was Regine at 17.

Seventeen lang ako nun so kabadong-kabado ako, pero she took a chance. Kahit parang hindi pa 'ko masyadong kilala, she took a chance and she produced my very first concert.

E, ano siya, sikat na sikat siya nung time na yun. So, ayun.


ROMMEL: Dahil baguhan ka pa lang nun sa industriya siyempre may mga, alam naman natin ang showbiz, may mga matataray, mga "Sino ba yan?"

So yung mga ganung pagpuna sa’yo, yung mga heartaches, frustrations na nangyari sa’yo, naging ano ba yun sa ‘yo to push harder sa sarili mo?

REGINE: Kung may maririnig ka hindi ko naman masyadong pinapansin. Nasabihan pa nga ‘ko nun nang hindi ako sisikat.

Magaling akong kumanta, yun yung comment nun. Hindi ako masyadong kagandahan, maputi lang.

Yun talaga yung comment sa ‘kin, tawang-tawa 'ko, na parang I didn’t mind because, kasi nung time na yun I also didn’t think I was pretty, so parang ‘okay lang,’ parang ganun.

Pero parang hindi din yun naging dahilan para mahinaan ako ng loob. I worked even harder. Ganun. Kasi maano nga ako, e, yung determination ko, grabe, e.

ERWIN: Pero pag nakikita mo yung tao na hindi medyo bilib sa ‘yo nung una, anong yung nararamadaman mo pag nagkikita kayo, or naging kaibigan mo na ba yung iba sa kanila?

REGINE: Oh, yeah. Oo naman. In fairness, wala namang kumukwestiyon sa boses ko during that time.

During that time walang kumukwestiyon sa boses ko kasi parang ako lang yata yung ganun yung sound.

ERWIN: Bumibirit nang sobra?

REGINE: Hindi, may mga bumubirit naman, but I was different. Kasi ako lang yung ganun yung boses, e.

So, in fairness, wala namang kumukwestiyon. Yung kinukwestiyon lang nila, "Paano sisikat, hindi masyadong maganda, di nag-e-English?" Yung ganun ba.

"Taga-Bulacan, yung parang, hindi masyadong refined." Yung ganun ba.

But that’s okay, kasi lahat yun naaaral naman, e. Pupursigihin mo lang, ganun.

AUDITIONING FOR MS. SAIGON. Matagal nang bali-balita na nag-audition si Regine para sa West End musical na Miss Saigon. Ngunit hindi malinaw kung totoo nga ito at kung natanggap ba siya. Sa Hot Pinoy Talk, nilinaw ito ni Regine.

ROMMEL: Nabanggit mo yun, na puna sa iyo—hindi nag-e-English, napakasimple, parang probinsiyana... Nag-audition ka ba sa Miss Saigon?

REGINE: I didn’t audition here. Pero I auditioned in New York.

ROMMEL: There’s this chismis, or I don’t know, urban legend na dahil hindi ka raw nag-e-English kaya hindi ka natanggap.

REGINE: Hindi ko alam. Kasi parang, it’s a musical, e. So parang obviously kantahan naman yun, e.

I auditioned tapos parang I didn’t hear anything. Tapos parang a month na I received, parang, like a telegram na they’re asking me to go to London.

So hanggang dun lang yung inabot ko. So, hindi ko na alam talaga kung ano yung puwede pang mangyari after that.

Kasi nung sinabihan ako na pupunta ‘ko ng London, sabi ko ayoko. So hanggang dun lang yung experience ko.

ERWIN: Pero nagsimula na yung Miss Saigon nun or hindi pa?

REGINE: Hindi pa. I was supposed to go to London to train. So hindi ko alam kung anong ibig-sabihin nun. Hanggang dun lang ako.

ERWIN: Pero pinanghinayangan mo ba yan?

REGINE: Hindi. Kasi hindi talaga meant for me, e! I needed to stay, I have to stay there.

Kung siguro kung tinanggap ko, either sa London or sa New York, I have to stay there, di ba... kung ano yung ma-feel nilang supposedly gagawin ko.

Pero, I didn’t… Bata pa ko nun, e. Hindi ako komportable na mahiwalay sa family ko, so nag-stay ako dito.

TURNING POINT IN CAREER. Maraming highlights sa buhay ng tinatawag na Asia's Songbird. Pero sa tingin nito ay napapaloob sa dalawang taon—ang 1989 at 1990—ang pinaka-turning point ng kanyang career. Tuloy-tuloy na ang pag-angat niya mula rito.

ERWIN: Twenty-five years, Regine, ano? I’m sure napakamaraming memorable moments mo. Pero ano yung five most memorable moments o yung turning points sa career mo?

REGINE: One would be the Asia-Pacific Singing Contest, when I won, that was the start. Well, actually, that was in 1989.

So before that, nakapag-record na naman ako, may isang album na ‘ko.

Pero yung nag-join talaga ko ng Asia-Pacific Singing Contest, parang it was such a big deal kasi 'pinalabas yun dito, sa Channel 7 yun.

Tapos, s'yempre, I won, so parang malaking karangalan. That’s one.

The second one was my album, 1990. Kasi pagkapanalo ko, 'nilabas yung 1990.

And then yung third, siguro yung duet ko with Jo Mari [Jose Mari] Chan, which was “Please Be Careful with My Heart,” ‘cause that became a big hit.

Tapos naging hit din yung “Narito Ako,” which was included in 1990.

Tapos yung fifth, yung last, yung Narito Ako The Concert, in Folk Arts [Theatre].

ERWIN: Eto yung standing ovation yung mga…

REGINE: Siguro yung turning point na yun parang isang taon lang lahat nangyari. [1990?] Oo.

It’s a very important year. ’89 and 1990 are very important years for me because, it seems to me, parang it seems like everything started from there.

Parang after ng ano na yun…It was the turning point talaga of my career, parang everything became easier.

ROMMEL: Pero ikaw ba, nangyari na ba na, sabi nga nila, kailangan tunog-Regine Velasquez, e. Nangyari na ba na pumiyok ka sa concerts mo? Ikaw raw kasi yung singer na hindi pumipiyok, e.

REGINE: Hindi. Bihira lang. I remember one time, kasi only because I was sick or I was malat, ganun.

Pero kung wala naman, nasa kondisyon ako, maingat kasi ako kumanta, e. Kasi yung piyok pwede naman yun, pwede mong i-avoid.

ERWIN: Dayain?

REGINE: Hindi. Puwede mong i-avoid kasi kailangan pag kumakanta ka…

Hindi ka naman kumakanta lang na yung kumakanta ka lang.

Kailangan intentional talaga yung pagkanta mo, alam mo na yun yung mahi-hit mong note, alam mo na dito ka pupunta.

At p'wede mong ingatan na hindi ka pipiyok. Naiingatan naman yun, e.

ERWIN: Pero through the years, di ba, may technique na hindi ka na masyadong bibirit. Naalala ko sinabi mo hindi ka na masyadong bumibirit kasi may nakuha ka nang technique kung paano.

REGINE: Oo. Kasi parang… S'yempre parang habang tumatanda ka, parang, yun nga may mga nadi-discover kang mga techniques.

Ngayon kasi, kapag kumakanta 'ko, parang mas gusto ko yung smooth yung pagkanta ko.

Although never naman talaga ‘kong sumigaw. Hindi ko naman… Kasi pangit yung sumisigaw, nakakasira talaga ng boses yun, e! Nakakasira ng lalamunan, e.

So ganun naman talaga 'ko kumanta, yung talagang iniingatan ko yung transition ko from natural voice to head tone.

Pero nung mga lately, mas gusto ko, na kahit mataas yung kinakanta ko, parang mas soothing pa rin sa ear, hindi masyadong nakakagulat.

TIPS TO ASPIRING SINGERS.

ROMMEL: Listening to the singers ngayon, minsan ba naiisip mo, minsan ba naano mo yung pagkanta nila, parang naja-judge mo or…?

REGINE: Wala namang perfect, e. So ayokong nag-aano na ganito.

Although pag tinatanong nila ‘ko, nagbibigay ako ng pointers para maavoid nila kung ano man yung feeling nila, kakulangan nila.

Pero hindi ako yung nagpo-point-out kung, "Alam mo kulang ka sa ganito!’" Ayoko, kasi nakakahiya.

ROMMEL: Pero yun nga, sabi kasi ni Rachelle Ann Go, ni Angeline Quinto, you’re very generous pagdating sa mga pointers kung paano…

REGINE: E, kasi parang, anong gagawin ko pagtanda? Kasi parang, alangan namang ibaon ko na pag namatay ako…

Parang pwede ko namang ibahagi yung techniques na... yung mga kaalaman na natutunan ko through the years na baka hindi nila alam pa, or siguro nagagawa nila, they just don’t know that yun yun. So, okay naman mag-share.

ERWIN: Pero at some point ba nagkaroon ng feeling na threatened ka sa mga bagong pumapasok na singers? Even nung medyo nagsisimula ka pa lang or nung pasikat ka pa lang?

REGINE: Nung nagsisimula ako, hindi ko ikinompare yung sarili ko sa iba. Basta yung direksyon ko, 'eto yung gusto kong puntahan, 'eto yung music ko. So 'eto, 'eto yung ishe-share ko.

So even nung medyo okay-okay na yung career ko, mas lalong hindi ko kinompare yung sarili ko sa iba.

Kasi dun nag-i-start yung mga parang, you question yourself. Pangit yun, e, 'tsaka yung nagkakaroon ka ng insecurities. Parang, pangit yung ganun.

Although may insecurities naman ako, pero I handle it na sa sarili ko lang.

Parang, kanya-kanya tayo ng gifts. Parang, binigyan tayo ni Lord ng kanya-kanyang gifts, so dapat hindi mo na i-compare.

"Bakit sa kanya mas magandang ganun?" Ang pangit.

ROMMEL: Sila na yung nagko-compare sa ‘yo? Sila na yung gustong mag-compare sa ‘yo?

REGINE: Hindi ako sure.

ERWIN: Kasi maraming sinasabi pag bagong singer, "O, next Regine Velasquez na 'yan."

REGINE: Siguro kasi yung nangyari lang, parang ako yung naging benchmark.

Kasi, parang s'yempre nauna na 'ko, so akala nila yung lahat ng tao, 'eto yung gustong madinig. But it’s actually not naman true. It’s a matter of taste.

‘Cause some people don’t actually like the way I sing, may ganun. Kasi hindi nila 'ko type, hindi nila type yung…

ROMMEL: Yung mga walang taste?

REGINE: Hindi. Hindi lang nila type yung ganung klaseng musika. Pero, ayun nga.

Sa akin kasi hindi naman batayan ng kagalingan yung mataas yung boses mo. Hindi naman yun, e.

Di ba, parang... kaya tuloy akala tuloy nung mga bata, birit sila nang birit, kasi akala nila yun ang batayan. Pero actually, hindi naman.

25TH ANNIVERSARY CONCERT. The Silver concert of Regine is all set for November 16 sa Mall of Asia Arena.

ERWIN: Pag-usapan natin yung Silver. So that’s on November 16. So ano yung mae-expect ng mga fans ni Regine Velasquez?

ROMMEL: Kasi yung nagko-concert ka, lumilipad-lipad ka pa nun, nakaano ka pa…

REGINE: Walang ganun. [At natawa si Regine.]

ERWIN: So anong gagawin ni Regine ngayon?

REGINE: Wala lang. Oo nga, ang daming expectations, nakakaloka. Uhm, siyempre, it’s my 25th year in the business, so we’re really trying our very best to make it spectacular.

Hopefully, everybody will enjoy it. Yung part ng thing naman is for the audience to enjoy the show, 'no?

Pero minsan hindi ko alam kung ano pa yung puwedeng ibigay kasi parang nagawa ko na halos lahat, e.

ERWIN: Pero nabanggit mo dati na yung mga dance numbers, hindi mo forte 'yan.

REGINE: Nung kabataan ko, sumayaw-sayaw din naman ako. Kasi bata pa naman ako, so okay lang, uso din naman yun noon.

Kasi habang tumatanda ako, na-realize ko na talagang parehong kaliwa yun paa 'ko, so bakit ko pa… Nag-give up na ‘ko, ayoko na.

It was never my strength, being a dancer. It was never my strength.

So mas importante sa ‘kin na malinis yung pagkanta ko.

I mean, I can move. Puwede ko naman kayong bolahin na kunwari marunong akong magsayaw.

Pero pag nagsho-show na, hindi yun yung importante sa’kin. Ang importante sa ‘kin yung malinis yung kanta ko.

ROMMEL: Medyo personal na tayo. Kasi nung time nung dalaga ka pa, maraming nali-link sa ‘yo, e. I’m sure marami ding nanliligaw. Pero bakit natagalan bago ka nakapili talaga?


No comments:

Post a Comment