Tuesday, December 18, 2012

Kathryn Bernardo is optimistic that Albie Casiño will have another chance again in showbiz

Kamakailan ay kinunan ng reaksyon si Kathryn Bernardo hinggil sa pahayag ni Albie Casiño noong nakaraang Linggo, December 9 sa The Buzz. Naging guest si Albie sa nasabing episode at sinabi niya na masaya siya sa narating ng kanyang dating leading lady na si Kathryn at umaasa siya na magkakatrabaho rin sila in the future. Nagtambal sina Albie at Kathryn sa Mara Clara.

Itinanong kay Kat kung siya ba ay may nararamdamang panghihinayang na naudlot agad ang team up nila ni Albie. “Syempre andun ‘yung nanghihinayang ka kay Albie kasi nakikita mo sa kanya na andun ‘yung looks, (at) ‘yung talent made-develop and everything,” simula ng aktres. “Sayang pero dumadaan naman talaga tayo sa ganyan sa buhay. I’m sure magkakaroon ulit ng chance si Albie kung gugustuhin niya.”

Dagdag pa niya na may dahilan ang lahat ng nangyayari at kung hindi raw ‘yon nangyari ay hindi sana sila naging mag-love team ni Daniel ngayon.
Hopeful siya na makabawi si Albie sa mga pinagdaanan niya. “Malay natin mga ilang years may mangyaring maganda di ba? Di natin alam.”

Tinukso naman si Daniel kung naghahangad ba siya na maging pa closer sila ni Kathryn kahit na tinuturing nilang best friend ang isa’t isa. “Choosy pa (ba) ako?” pagbibiro ng aktor. Gayunpaman, sinabi ni Daniel na bawal pa ngayon na magkaroon sila ng relasyon dahil masyado pa silang bata at gusto nilang maging magandang huwaran sa mga kabataan.

Naitanong naman ng Push.com.ph kay Kathryn kung saan nanggagaling ang kanyang control na huwag munang makipagrelasyon sa ngayon. “Kasi siguro parati kong iniisip na andyan kasi sina Mama para i-guide ako, parati akong i-remind sa mga bagay-bagay,” sagot niya. “Di ko masasabi na perfect ako, andun ‘yung kailangan kong intindihin sila na andito na, eh, so wag natin sayangin. Pero wag muna masyado (maging close) na nasasakal ka. Alam natin i-handle, ‘yun ang importante.” 

No comments:

Post a Comment