Showing posts with label DJ Mo Twister. Show all posts
Showing posts with label DJ Mo Twister. Show all posts

Tuesday, January 17, 2012

DJ Mo Twister, May Ipapasabog Pa Raw This 2012 Laban Kay Rhian

Naging super kontrobersyal ang pasabog ni DJ Mo Twister tungkol sa pagpapa-abort daw ni Rhian Ramos ng kanilang anak. Mabilis na kumalat ang nakakagulantang na videong iyon ni DJ Mo.

Pagkatapos naman ng video tungkol sa abortion ni Rhian, ay sumunod naman ang love scene nilang dalawa na super sweet at naghahalikan.

Ngayong 2012 daw ay may ipapasabog nanaman si DJ Mo Twister laban kay Rhian Ramos. Ano kaya ito? Kung super bad na talaga, sana'y wag nya na lang ituloy.

We Recommend:

Wednesday, December 14, 2011

DJ Mo Twister, May Bago Na Agad Babae sa NY

Chika ni Monica Cruz

MAGPA-PASKO NA, siguro patahimikin na natin ang isyu nina Rhian Ramos at DJ Mo Twister.

Nagpa-interview pala si DJ Mo sa radio program ni Noel Ferrer nu’ng nakaraang Linggo at halos pareho lang naman daw ang sinabi nito sa huling statement na pinadala niya sa mga bloggers at sa PEP.

Nag-promote lang daw siya ng radio program niya sa 89.9 Magic FM na magsisimula sa January 1. Doon sa New York siya magra-radyo na maririnig dito sa atin. Ang alam ko, pupunta roon ang mga kaibigan niya at co-anchors sa radio para samahan muna siya.

Ang bago pa sa sinabi niya sa interview kay Noel ay may ka-date na raw siya sa New York. Kaya kung may ka-date na ito, eh ‘di patahimikin na ang gulo nila ni Rhian at huwag na siyang magsalita ng kung anu-anong akusasyon laban sa dating girlfriend.

Pati nga ang GMA-7 tinira nito, lalo na si Atty. Felipe Gozon. Kaya siguro quiet na lang at huwag nang palakihin pa ang isyu.

Kaya lang, magdedemandahan na sila, kaya tingnan na lang natin kung saan ito hahantong.