Thursday, December 1, 2011

Mayor Vi Okay Lang Daw Kung Bakla si Luis Manzano

Chika ni Jessa Rosal

NOONG LUNES, KASAMA ko si Gov. Vilma Santos sa kanyang tanggapan sa Kapitolyo ng Batangas. Buong pagmamalaking inisa-isa ni Gov. Vi ang mga dahilan kung bakit kailangang maging pangunahing tourist spot  ang Batangas. Dito raw kasi  makikita ang magagandang tanawin at isa na nga rito ay ang pamosong Taal volcano, bukod pa sa mga naggagandahang beach na madaling puntahan at hindi na kailangan pang mag-eroplano.

Hindi ang masasarap na suman, minatamis, balisong at magandang karagatan ang higit na kumintal sa aming isipan, kundi ang aktor na si Luis Manzano na ngayon ay umamin nang karelasyon niya si Jennylyn Mercado. Ayon kay Ate Vi, matagal na niyang alam na mag-on sina Luis at Jennylyn, dahil bukod pa sa naikuwento na sa kanya ng binata noon pa man ay nadala na raw ni Luis si Jennylyn sa kanilang bahay.

Walang nakikitang masama si Ate Vi sa pakikipagrelasyon ni Luis kay Jennylyn at sa katunayan, kung sino raw ang mahal ng kanyang anak, mahal niya na rin dahil bilang ina ay never daw siyang nanghimasok sa pribadong buhay ng kanyang anak.

Samantala, dahil sa mainit na isyung KC Concepcion at Piolo Pascual, kung saan ang usap-usapan ay gender ang tunay na dahilan ng hiwalayan ng dalawa, kabado man ay naglakas-loob kaming magtanong kay Ate Vi. “Paano kung totoo ang tsismis na bading din si Luis?”

Alam n’yo ba kung ano ang isinagot ni Ate Vi? Namilog ang kanyang mga mata at malalakas na halakhak ang kanyang pinakawalan.  No. Hindi. Imposibleng mangyari dahil alam ni Ate Vi na lalaking-lalaki ang kanyang anak. Pero kung sakaling bading talaga si Luis? Eh, ano ang magagawa ni Ate Vi kung du’n magiging maligaya ang kanyang anak, eh ‘di sige. Gow lang gow! Wala naman daw masama sa pagi-ging bakla as long as wala kang masamang ginagawa sa iyong kapwa.

Advertisement

Why Many People Like The Pop Belter of The Philippines "Angeline Quinto". It's NOT ONLY her AMAZING voice.



At dahil mainit na pinag-uusapan sa showbiz ang hiwalayang KC at Piolo, may nagtanong sa Star for All Season kung naniniwala ba itong pink ang dugo ni Piolo dahil nakasama niya ito sa pelikulang Dekada ‘70 noon. Bagamat masayang humahalakhak si Ate Vi, nakiusap itong huwag na siyang idawit pa sa usapin dahil baka isipin ng iba na nakikisawsaw siya sa isyu. “Huwag! Ayoko… pangit. Kung anuman ang problema nila, hayaan na lang natin sila,” pagwawakas ng Star for All Seasons.

No comments:

Post a Comment