Sunday, December 4, 2011

Edu Manzano Hindo Boto Kay Jennilyn Mercado Para Kay Luis

Chika ni Jade Lopez

Hindi masyadong nagsasalita ang ama ni Luis Manzano na si Edu tungkol sa kanilang relasyon ni Jennilyn Mercado.

Para sa motherhood ni Luis na si Mayor Vi, okay lang naman daw sa kanya kung saan masaya ang junakis nya. Wala naman daw problema at nasa hustong gulang na raw si Lucky at may kalayaan na itong pumili ng kanyang makakasama sa buhay.

Maraming usapin at kumakalaykay na chismax na malandi raw si Jennilyn at ito raw ang dahilan kung bakit di raw boto si Edu sa girly.

Lam-ey (alam) nating lahat na ex-bf ni Jennilyn sina Mark Herras, Patrick Garcia, at Dennis Trillo, subalit hindi ibig sabihin nito na malandi na ang mahusay na aktres.

Hindi rin naman nagsasalita ang host ng Protege na si Jennilyn hinggil sa issue at ayaw nya na itong patulan.


Si Edu ay hindi pa rin kino-confirm kung totoo ang chismax na ito.

Sa akin namang palagay, eklavu lang ito dahil mabait naman si Edu at siguradong okay lang din sa kanya kung saan liligaya ang anak nyang si Luis na matagal nya nang binigyan ng freedom.

No comments:

Post a Comment