MATINDING SAMPALAN ang naganap kina Lovi Poe at Alessandra de Rossi na humantong sa totohanang sakitan na nga ng dalawa, sa primetime teleseryeng Legacy ng GMA-7. Ipinakita ni Lovi ang pasa sa kanyang kanang balikat (black and blue). Sa sobrang lakas ng sampalan nila, pareho silang bumagsak sa floor. Ikinuwento ni Lovi ang nangyari sa kanila ni Alex. “Sampalan pero wala lang ‘yun sa amin. Masaya, tawa kami nang tawa after the take, kasi ‘yung eksena talagang nakakatawa kahit serious siya. Hanggang nagkagulo na kami nina Alex at Heart (Evangelista), kasi, magkaka-patid kami, all because of legacy.
“First scene na mapapanood ng lahat ‘yung maaanghang na eksena naming magkakapatid (Lovi, Heart at Alex). Sobrang nakakatuwa sina Heart at Alex as in laban, cockfight. First day lang, lalabas ‘yung pagiging mabait ko pero maldita. Kumbaga, totoong tao lang, maldita at saka mabait. Hindi naman super bait kasi, hindi naman totoo ‘yun. Walang totoong mabait lang, please… May pagka-maldita, a little touch of it, it’s depend on how you see it sa character ko. Medyo mayabang ako, I’m the boss here. I know how to handle everyone but then sa mga taong mahal ko ayun mahal ko talaga, doon ako bumibigay. Ang role ko, sexy and classy because she’s a rich girl but she knows what she wants. Kumbaga, kung may gusto siya, she has to get it but never siyang mananakit ng ibang tao. But then, kailangang gagawa siya ng way para lang makuha niya ang gusto niya, kasi nga spoiled siya.”
Inamin ni Lovi na nag-usap sila ni Alex na gawing makatotohanan ang eksena para sa ikasisiya ng viewing public. “Kami naman ni Alex nag-usap, sinabi namin kay Direk na okay lang. Kasi, it’s unfair naman sa manonood na ang ibigay namin ay fake. Hindi naman masakit, kailangan sa eksena. Hindi sumama ang loob namin, natawa pa nga si Alex kaya nga after noong scene na ‘yun, lahat kami nagkaroon ng bonding. ‘Yung sagutan namin parang “Temptation Island”, may hiritan kaya nakaka-excite,” say ng young actress.

You May Want to Check Out:
Top 10 Most Admired Actresses in The Philippine Showbiz Industry in This New Generation
10 Things About Rhian Ramos That Her Fans Should Know
Top 10 Pinoy New Year's Resolutions
No comments:
Post a Comment