Wednesday, January 4, 2012

Marco Alcaraz Ikakasal na Kay Precious Lara Quigaman sa October 2012

JANUARY PA lang daw ay ini-imagine na at excited na ang beauty queen-turned-host/actress na si Precious Lara Quigaman sa nalalapit nilang kasal ng actor at BF nitong si Marco Alcaraz na magaganap sa October 2012. Tsika nga nito, gustung-gusto na niyang magkaanak, dahil handang-handa na siyang matawag na mommy ng magiging supling nila ni Marco.

Kuwento pa nito na sobrang happy raw siya, dahil kung dati-rati ay panay next year lang ang sagot niya sa tuwing may magtatanong kung kailan sila ikakasal ni Marco, pero ngayon daw ay puwede na niyang sabihing October 2012 ang kanilang pag-iisang dibdib.

Hindi pa nga lang daw nito ma-discuss ang buong detalye ng kanilang kasal, pero as soon daw na mapag-usapan na nila ang lahat-lahat ng detalye sa kanilang wedding, hindi naman daw nito ito ipagdadamot na ipa-alam sa kanilang mga tagahanga.

No comments:

Post a Comment