FIRST TIME nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sumabak sa ganitong tema ng pelikula, ang Unofficially Yours ng Star Cinema. Masasabing taboo ang kanilang relationship pero nangyayari talaga pero hindi pinag-uusapan. The two will be seen in a very hot love scene. John Lloyd play the role as Mackey Galvez. “He wants to explore new life. Gusto niyang malaman kung ano ‘yung reason. Galing siya sa two failed relationship. Hindi niya matagpuan ‘yung happiness in any relationship na pinasok niya,” say niya.
May part kaya sa character na pino-portray ni Lloydie, nangyari in real life? “Why? Because I mentioned failed relationship? Well, parang may resemblance, especially… kasi, may effort kang to relate to the character. Kung minsan kahit medyo malayo kayo, hahanapan mo nang dahilan or ng rason para magkalapit kayo. Para maka-relate ka roon sa character. Sabi nga ni Direk Cathy (Garcia- Molina), mahirap mag-portray ng character na hindi familiar sa ‘yo. Challenging ‘yung tema, it’s about casual relationship… sex,” wika ng aktor.
Inamin ni John Lloyd na hindi siya naka-experience ng one-night stand kahit noong younger days niya. Hindi kasi siya mahilig makipag-fling sa kahit sinong babae. It’s more on serious relationship. “Not really, hindi ako ganoon ka-adventurous. Hindi ko ini-explore, more on relasyon talaga. Mula noong bata-bata pa ako,” aniya.
Ikinuwento ni Lloydie ang younger relationship niya. “Gaano ka-young? When I was so much younger like bago ako nag-twenty. First girlfriend ko, first year high school. Mga thirteen ako noon pero siyempre, ano ‘yun, hindi naman talaga ‘yun.”
Serious relationship? “Siguro noong pumasok na ako sa showbiz. Non-showbiz girlfriend nagsimula. “Hindi ko alam kung love na talaga ‘yun. That time talaga, I just want to be in a relationship, I was naman.”
Paano mo masasabi na ang isang relationship ay serious relationship? “Siguro, understanding and communication. Even when I’m so much younger. Even in my teens, seryoso naman ‘yun. Ngayon kasi, mag-mature ka na as a person. Alam mo na ‘yung tama at mali. Nu’ng teenager ka palang parang… malaki na ang pagkakaiba noon sa ngayon.”
Na-experience na ni John Lloyd ang ma-in love at masaktan pero hindi niya ibinahagi kung ilang beses na siyang nagmahal. “Siguro naman at 28, naramdaman ko na siguro kung paano ma-in love at kung paano masaktan.”
Paano idi-describe ni Lloydie‘yung pain kapag nagkahiwalay na sila ng mahal niya? “Ang pinakamadali para i-describe ang pain karamihan na makakarinig at makakabasa sa ‘yo ay na-in love na rin, magmahal na rin at nasaktan. Kanya-kanya tayo ng interpretation kung papaano tayo nasaktan. Pero kung anuman ‘yung naging dahilan o nangyari, magkakaiba man kayo nang pinagdaanan pero ‘yung pain pare-pareho. Pare-pareho kayong nasaktan. Sa ngayon, I don’t see any sense to describe my pain in the past para maintindihan ka,” paliwanag ng binata.
Sa kaso ni Lloydie, kailangan bang maging serious ang isang relationship para ma-experience ang love and pain? “Kasi, sa tingin ko naman kung papasok ka sa isang relationship or commitment dapat seryoso talaga ‘yun, ‘di ba? It’s not something you cannot take for granted. Kasi, iba na ‘yun. When you enter a commitment, iba na ‘yun.”
No comments:
Post a Comment