MUKHANG NAKA-RECOVER na nga si Rhian Ramos mula sa maeskandalo at mga kontrobersiyal na isyu kung saan sangkot din ang ex-boyfriend niyang si Mo Twister. Nitong linggo matapos siyang mag-perform sa Party Pilipinas, masigla siyang humarap sa ilang members of the media for an interview.
Tuluy-tuloy na raw ang pagiging visible ulit niya sa harap ng camera. And there are two good reasons daw kung bakit inspirado siya na magbalik-sigla sa kanyang career.
“Isa na nga ‘yong The Road is… international film na. Ipapalabas ito sa U.S. at sa Canada. Meron kaming red carpet premiere doon. I think ang pupunta… ako, si TJ (Trinidad), si Alden (Richards), si Louise (delos Reyes), at siyempre si Direk (Yam Laranas).
“And also, ‘yong movie namin ni Aljur (Abrenica) na My Kontrabida Girl, natapos na naming i-shoot. At malapit na itong ipalabas. Sa lalong madaling panahon, ipapalabas na ang My Kontrabida Girl. Sa March. Kakaibang pelikula siya. At saka na-enjoy ko ‘yong company at saka ‘yong working experience ko with Aljur. ‘Yong character ko rito, artista na kontrabida. Na isang araw, may masyadong magandang mangyayari sa kanya kaya mawawala sa kanya ‘yong pagiging… malupit niya. Hindi na siya makasampal ng tao. Hindi na niya kayang manakit o manigaw. Kaya kailangan niya ulit ‘yon na hanapin. Pero instead, ang mahahanap niya… si Aljur. Eh, hindi naman siya… paano ka magagalit kay Aljur, ‘di ba? Iyon ang problem,” sabay tawa ni Rhian.
“First time namin ito ni Aljur na magsama sa movie. At kakaibang experience siya. Before kasi, nagkasama na kami sa Ilumina na TV series. Pero that was a year ago. And ang laki na rin ng ipinagbago naming dalawa ngayon, eh. Para ngang ano, parang first time nga ulit, eh. Kasi, I think we both grew so much in the past year. Malaki ang nagbago sa aming dalawa. So, ayon. Parang first time na naman namin ulit magtrabaho together.”
Sila raw ang magkasama nitong nakaraang Valentine’s Day?
“Kasi ‘yong shooting namin… February 13, na-extend hanggang February 14. So, no’ng hatinggabi, sakto… kissing scene pa namin no’n,” natawa ulit si Rhian.
“Pagkatapos ng eksena, sabi niya sa akin… happy Valentine’s, ha!”
Wala bang ibinigay na Valentine gift sa kanya si Aljur?
“Ay, wala! Ang ibinigay niya sa akin ay ‘yong experience na makatrabaho siya. ‘Yong honor of working with him.”
Ganyan?

No comments:
Post a Comment