Monday, February 27, 2012

Solenn Heussaff, Walang Paki sa Pagiging Bitchy

Masaya si Solenn Heussaff sa nagiging takbo ng kanyang career sa kasalukuyan.

Tatlo ba naman ang proyektong pinagkakaabalahan niya sa ngayon— Legacy, Fashbook, at Boy Pick Up The Movie.

"Okay naman. I had mga three shooting days na," sagot ni Solenn nang kamustahin namin ang taping niya sa GMA-7 primetime soap opera na Legacy.

Eksklusibong nakapanayam ng (HPS) Hot Pinoy Showbiz si Solenn noong Sabado, Pebrero 18, sa BlackBerry event sa TriNoma Mall, sa Quezon City.

"Nandiyan din naman sina Lovi [Poe], Heart [Evangelista], parang Temptation Island lang.

"I get to work with Sid Lucero who is a good actor that I look up to.

"So, nagkaeksena na kami, I get to learn from him, very natural siya."

KONTRABIDA ROLES. Isa si Solenn sa mga baguhang artista na nalilinya sa mga "bitchy" o karakter na kinaiinisan ng mga manonood.

Gayunman, unang beses niyang gaganap na kontrabida dito sa Legacy.

"Ako, I don't really care anong role [ko]," pahayag ng 26-year-old actress.

"Kasi, parang it's always a challenge.

"Hindi ako turned off sa mga roles ko, I really enjoy experimenting din, [I] imagine na gano'n ako sa totoong buhay so I can be on the skin of someone else."

Gayundin, masaya si Solenn na nagagamit niya ang kanyang mga natutunan mula sa mga beteranong artistang nakasama niya sa Yesterday Today Tomorrow.

Nakasama ni Solenn sa Metro Manila Film Festival 2011 entry na ito sina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, at Agot Isidro.

Kuwento ni Solenn, "Siyempre naman you always have to ready the script, 'yong tipong what type person your character shows.

"Like if I see na medyo mayaman ang character ko, medyo bitchy, I watch movies na medyo bitchy 'yong mga girls, gano'n.

"You just have to study the character, hindi 'yong basta-basta, you have to study the character.

"So far, 'yong mga roles ko, medyo pareho lang, pareho mga roles.

"Pero I think mas challenging 'yong character ko sa Boy Pick-Up movie kasi fully Tagalog ['yong script]."

 

No comments:

Post a Comment