LOOKS LIKE we will be seeing more of Carmina Villaroel on the small screen. Bukod kasi sa kanyang programang Showbiz Inside Report ay bida rin siya sa bagong ABS-CBN teleserye na Lorenzo’s Time katambal ang child star na si Zaijian Jaranilla. She said that this is a dream come true for her dahil matagal na niyang gustong makatrabaho si Zaijian.
Ayon sa report ni Bernie Franco sa Push.com.ph ay hindi raw nagdalawang-isip si Carmina nang ialok sa kanya ang role. She’s very excited about the project because of its unique story. In Lorenzo’s Time, gumaganap sila ni Zaijian bilang childhood sweethearts na nagsumpaan na sa kanilang pagtanda ay sila ang magkakatuluyan. But an unfortunate incident happened to Zaijian’s character who wakes up 30 years later only to find out that he has remained a child while his childhood sweetheart has grown up. “It’s all about love, it’s about time,” Carmina said.
Maging ako man ay excited na sa bagong teleserye dahil sa kakaibang love story nito. Will Zaijian’s character win back the heart of his childhood sweetheart? Or will he end up with another child although he has the heart and mind of an adult? Mai-in love bang muli sa kanya ang karakter ni Carmina kahit lumipas na ang napakaraming mga taon? Iyan ay ilan lamang sa mga dapat nating tutukan kapag nagsimula nang ipalabas ang teleserye.
Carmina doesn’t mind having a younger actor as her leading man. “Not at all, the younger the better.”
Nagsimula nang gumiling ang kamera at puring-puri ni Carmina si Zaijian dahil napakahusay nitong umarte. Natutulala raw siya sa bata lalo na kapag umaarte ito na parang isang binata. Sa murang edad ni Zaijian ay pinatunayan niya sa publiko na kaya niyang makipagsabayan sa mga batikang artista pagdating sa acting tulad ng ginawa niya sa May Bukas Pa, Noah, at Ikaw ay Pag-Ibig. Kaya naman hindi nababakante si Zaijian ng mga projects. He makes viewers feel different kinds of emotions while watching him portray his roles convincingly. Nangungusap ang kanyang mga mata. Hindi natin namamalayan na tumutulo na pala ang ating mga luha at sinasabayan natin siya sa pag-iyak, we smile kapag masaya siya, we feel hurt when he’s in pain.
Kasama rin sa Lorenzo’s Time sina Diether Ocampo, Amy Austria, Gina PareƱo, at Alfred Vargas.
No comments:
Post a Comment