Friendly competition ang paglalarawan ni Julia Montes sa pagkukumpara sa kanila ni Kathryn Bernardo. Gayunpaman, nalulungkot siya sa tuwing tila ipinagsasabong sila ng ibang tao. Pero sabi ng teen star, bago pa man sila pumasok ni Kathryn sa showbiz ay alam na nila ang kanilang paglalagyan. “Bago kami pumasok sa showbiz alam na rin namin ang takbo dito. Alam namin ang takbo ng normal friendship sa showbiz friendship.”
Aminado siya na nami-miss niya rin ang kaibigan lalo pa’t bihira silang magkaroon ng panahon sa isa’t isa. “May miss factor talaga kami na siyempre iba talaga ang bonding namin, pero ‘yun nga ‘di naman kasi nawawala (ang friendship).”
Excited na rin siya sa nalalapit na primetime project ni Kathryn ang The Princess and I kung saan makakasama rin ng dalaga ang bigating mga artista gaya nina Gretchen Barretto at Albert Martinez, pati na din ang kanyang mga bagong leading men na sina Enrique Gil, Daniel Padilla at Khalil Ramos. “Malaking break ang ginagawa niya ngayon and excited ako para sa kanya, makikita ang ibang side n’ya.”
Excited din si Kathryn para rito dahil finally ay magbibida na rin siya sa sariling show. “Happy, kasi kung titingnan mo ito ang first ko tapos ‘yung kay Julia, first serye rin niya yung Walang Hanggan. Happy kasi siyempre, pero andun din ‘yung kaba.”
‘Di gaya ni Julia na mature ang role sa teleserye, pang-teenager ang gagampanang role ni Kathryn sa The Princess and I. “Super malaking difference talaga ‘yung career path namin. Magkaiba talaga. Sa kanya ‘yung medyo matured na ang mga roles niya, pang-18 (years old) na tapos yung sa akin, pinag-stay nila ako sa teenybopper para ako ang nagre-represent ng 14-17 (years olds).”

No comments:
Post a Comment