MAGANDA TALAGA ang samahan ng mga Kapamilya stars, kaya walang kumpetisyon tungkol sa kung sino na ngayon kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ang tunay na Hari ng ABS-CBN at Star Cinema, dahil pareho nga silang paboritong panoorin sa mga teleserye at pelikula. Hindi talaga mawawala sa turing na si Piolo ang isa sa pinakasikat na aktor ng Dos. Pero hindi man sinasadya ay talagang si Lloydie ang pinakamabentang aktor ng Kapamilya Network ngayon.
Malaking artista na talaga si John Lloyd, dahil patok lagi ang mga pinagbibidahan niyang teleserye, ganu’n din ang mga pelikula, kaya ilang ulit na siyang naparangalan bilang Box-Office King. Parehong mabait sina Lloydie at Piolo, ang pagkakaiba nga lang, nakakailang lapitan ang kabaitan ni Papa P. dahil parang mahirap siyang abutin. Parang mayroon siyang itinatagong ugali, na sabi ng ilang beteranang manunulat na malapit kay Kuya Germs (German Moreno) ay ganu’n daw talaga si Piolo kahit nu’ng bagets pa lang siya na kasali sa That’s Entertainment.
“Sobrang mahiyain si Piolo noon. Para siyang takot sa mga tao. Parang hindi niya alam na guwapo siya,” wika ni Mrs. Veronica Samio.
Kabaligtaran naman ni John Lloyd, na kahit sikat na sikat ay wala lang ang kanyang ugali. Palabiro siya sa mga tao sa kanyang paligid. Kapag magkakilala kayo at hindi mo siya binati ay magugulat ka, dahil si Lloydie mismo ang lalapit sa ‘yo para batiin ka.

No comments:
Post a Comment