Naghahanda na ngayon si Anne Curtis para sa kanyang upcoming series of concerts na gaganapin sa iba’t-ibang lugar tulad ng Cebu at Middle East. Gayunpaman, sinabi na raw niya sa kanyang managers sa Viva na pagkatapos ng concert series na ito ay ayaw na raw niya. “Kasi masaya na ako na nangyari siya once (Annebisyosa concert). That was the pinakabongga for me,” sabi ng actress sa launch niya bilang bagong endorser ng Cherry Mobile Phones Kiss Phones sa 55 Events Place sa Tomas Morato noong Thursday, March 15.
Natutuwa naman si Anne dahil sa kanyang mga susunod pang concerts, mabibigyan ng pagkakataon ang kanyang mga fans sa mga probinsya na mapanood siya. “Andaming nagtu-tweet, so natutuwa ako na may Davao, may Dipolog. I’m going to do it for them,” aniya. Sinabihan nga raw siya na gumawa ng second album pero tumanggi na raw siya dahil nakakapagod daw ito.
In connection to singing, tinanong din si Anne hinggil sa controversial issue noong Enero kung saan pinagkamalan na kinicriticize siya ni Lea Salonga bilang isang taong walang karapatan bilang singer. Ibinahagi ni Anne na noong birthday niya, February 17, ay nag-text sa kanya ang international singer at humingi ng paumanhin. “She greeted me,” simula ni Anne. “Ang sabi niya, ‘First, happy birthday and second, I’m so sorry and know that I would never say anything that would offend you.’”
Pero paglilinaw ng singer-host hindi raw talaga siya na-offend dahil alam niya sa sarili na ‘di siya singer, kung ‘di isang entertainer. “She said sorry for the whole hassle pero hindi naman siya nagso-sorry kasi wala naman siyang sinabing mali,” ang pagtatanggol ni Anne kay Lea.
Tiniyak naman daw niya kay Lea na wala itong dapat ikabahala. “Sabi ko, ‘I know naman, ate. No worries. I know it was [because of] irresponsible journalism.’ It’s true and they (TV5) admitted naman [that it was] their fault, which is a good thing kasi hindi nila pinaglaban hanggang dulo na sila ang tama. They admitted their fault naman kaya it’s a good thing that they admitted their fault.”
Given the opportunity raw, gusto rin niyang maka-duet si Lea at nagbiro na ang kantang “Reflection” na theme song ng Walt Disney animated movie Mulan na kinanta ni Lea.

No comments:
Post a Comment