Gaya ng ibang mga nauna niyang teleserye, sinabi ni Piolo Pascual na mahalaga para sa kanya ang kanyang role bilang pari sa teleseryeng Dahil sa Pag-Ibig. Ito raw ang first time niyang gumanap bilang pari. “’Yung time and effort na pinu-put ng ABS-CBN for me hindi pare-pareho ang ginagawa nating soaps. Bawat artista pinag-iisipan kung ano ‘yung susunod na soap, so sa akin I’m blessed to be given soaps na hindi nagkakapareho. Iba ‘yung nakukuha kong konsepto kaya nage-enjoy ako. Kaya every soap for me is a milestone, every project for me is a dream project because it’s something I haven’t done before.”
Hindi rin itinanggi ni Piolo na noong una ay nagbiro siya kay Jericho Rosales na bida rin sa Dahil sa Pag-Ibig na magpalit sila ng roles dahil nagustuhan niya ang role dito ni Echo. “I find Echo’s role really challenging in terms of conflict and layering. Sabi ko nga ang gandang paglaruan kasi ako bilang pari iyak ka na lang, mabait ka lang,” paliwanag ng aktor. Ang role kasi ni Echo sa teleserye ay may pagka-bida-kontrabida at may kinikimkim na galit sa puso.
“Kaya natuwa naman ako sa creative team natin ginawa nilang medyo gritty, medyo edgy, ‘yung character ko. Ang dina-drive kong motor Harley-Davidson tapos nakikipagsuntukan ako sa mga goons, so hindi siya typical pari, ‘di tipikal na seminarista, kaya nagustuhan ko rin.
“Pero ‘yung kay Echo talaga, I really find it nice. Alam ko kung bakit tinanggap ni Echo [‘yung project] it’s because sobrang bigat nung conflict, napakaganda.” Pero paglilinaw niya, “Pero hindi naman po sa hindi ko gusto ‘yung role ko, natuwa lang ako sa kanya.”
Dahil tungkol sa pag-ibig ang tema ng kanyang latest project, itinanong ng Push.com.ph kay Piolo kung paano niya bibigyang kahulugan ang pag-ibig. “Hindi ko alam. It’s just too overwhelming for me to define love because it has many facets,” simula niya. “Ang pag-ibig para sa akin ‘yun ang bumubuhay sa isang tao. Kung wala kang pagmamahal even as an actor, hindi ka makaka-deliver. Kung wala kang pagmamahal hindi ka makakapili ng mga bagay-bagay sa mundo. I guess love is one of the most important things na kailangan sa buhay ng isang tao. There’s faith, there’s love, there’s hope but of all these three, love ang pinakaimportante.”
Sinabi rin ni Piolo na kaya niyang magsakripisyo ng ng kahit ano para sa pag-ibig dahil ang tunay raw na pag-ibig ay walang sukatan. Dagdag pa niya, sa araw-araw na buhay ng tao, marami siyang ginagawang desisyon sa ngalan ng pag-ibig. “One way or another sa buhay natin may isinakripisyo ka na ng mga bagay na pinagpipilian. Everyday is a choice; either because of love, a certain choice. Everyday you always have two choices or more, but siyempre ang pinakaimportante is love. You choose the other option because of love.”

No comments:
Post a Comment