SI ROCHELLE Pangilinan, happy raw na siya nga ang napiling leading lady ni Rocco Nacino for Lam-Ang. Kuwento nga niya… “Actually pinapunta ako roon ng manager ko. Para na ring audition. Akala ko kasi ‘yong direktor, titingnan lang ako. ‘Yon pala titingnan niya ako sa camera. Tapos ayon… arnis-arnis ako ro’n. Mabuti na lang may background ako dati sa arnis sa Daisy Siyete. So… nakatulong siya nang bonggang-bongga!”
Hindi pala alam ni Rochelle na si Isabelle Daza ang first choice sana para maging leading lady nga ni Rocco sa nasabing isa-sapelikulang Ilocano epic.
“Talaga? Well… at least, sa akin napunta. Thank you Lord! Ha-ha-ha-ha! ‘Di ba? Wala akong nasabi? Ha-ha-ha! At masaya ako kasi parang… wow! Ang ganda-ganda ni Isabelle, ‘di ba? Tapos ako ang naging kapalit niya.”
Excited daw siya na makatrabaho si Rocco.
“Lagi ko siyang kasama sa sayawan sa Sayaw Pilipinas. Pero ngayon sa isang ganitong project gaya ng Lam-Ang… first time. Hindi pa po nakakarating sa akin ‘yong script. Pero narinig ko… Tagalog na Tagalog daw ‘yong mga lines. At ang pinakaaabangan ko siguro ay ‘yong fight scenes ko rito. Kasi gustung-gusto ko iyon, e. Magti-training ako ng arnis. So, ako, okey na ako ro’n. Inihanda ko na ang sarili ko. TThS (Tuesday, Thursday, and Saturday) ang shooting namin. Nagpaalam lang kami sa Broken Vow (afternoon series sa GMA) para ma-adjust ‘yong taping schedule ko. Thankful ako na may trabaho ako hanggang sa mag-birthday ako sa May. Sabi nga sa akin ni Direk Mac Alejandre, mas maganda na naiinitan kang nagtatrabaho sa set kesa nasa malamig kang kuwarto natutulog na tengga ang buhay mo.”

No comments:
Post a Comment