Wednesday, March 21, 2012

Say ni Anne Curtis Kay Angel Locsin Bilang Best Actress

Hindi napunta kay Anne Curtis ang major award na Best Actress sa katatapos na Philippine Movie Press Club o PMPC Star Awards for Movies para sa kanyang pagganap para sa blockbuster hit na No Other Woman, bagkus, napunta ang nasabing tropeo kay Angel Locsin para sa pelikulang In The Name of Love.



Gayunpaman, nilinaw ni Anne na hindi masama ang kanyang loob dahil alam niyang karapat-dapat kay Angel ang award. “I said naman and I admitted na it was a well-deserved award to Angel,” paniniyak ni Anne. “And I watched the film, super-bilib kaya deserving talaga the actors that won from Best Supporting (Actor) to the Best Actress and Actor. It was well-deserved kaya walang hard feelings, kaibigan ko si Angel kaya I’m so happy for her.”

Ibinahagi rin niya ang nakakatawang encounter with Angel dahil nagkita pa ang dalawa backstage. “Nagso-sorry pa siya, [sabi ni Angel] ‘Sorry ah.’ [Sabi ko] ‘Ba’t ka nagso-sorry sa akin?’ Sabi ko, ‘Congratulations, it’s a well-deserved award kaya walang hard feelings.’”

Besides, marami raw dapat ipagpasalamat si Anne dahil sa ganda ng takbo ng kanyang career. Paglilinaw naman niya, hindi naman naging madali ang magandang nangyayari sa kanyang career dahil 15 years na siya sa industriya. “You know, I took everything slowly and finally everything is falling into place.  Ba’t mo tatanggihan ang mga blessings na dumarating sa ‘yo lalo na if you can lose it [instantly]?”

Sobrang happy daw siya sa mga nangyayari lalo pa’t five years ago, ito lang mga bagay na ipinagdarasal niyang makamit.  “Now they’re here, so I’m just really, really grateful. Sobrang active, sobrang busy, sobrang pagod but no complaints, ‘di ba? Ginusto ko ‘to ‘di ba? So sobrang happy lang.”

Blooming din ang love life ni Anne with boyfriend Erwan Heussaff pero wala pa raw sa plano ng 27-anyos na dalaga ang lumagay na sa tahimik. “If it’s the right time if it’s the right person, [and] I know that I’m ready and responsible enough to have that, why not?”

Aminado siyang abala siya masyado sa kanyang mga proyekto at kung naisisingit pa niya ang kanyang buhay pag-ibig, narito ang sikreto ni Anne. “I think it’s team effort, kailangan n’yong gumawa ng way. Kahit papaano e-effort ako na hindi mag-work ng Sunday.”

Samantala, nagulat din si Anne sa balitang nais siyang makatrabaho ni John Lloyd Cruz. “Alam mo when you think of it parang it’s medyo odd talaga. Parang paano? Pero if given the right script, why not? I’d love to work with him pero paano nga naman, parang ang layo ng mga roles na ginagawa ko sa ginagawa niya. I wonder how, [but] it would be exciting to see.”

No comments:

Post a Comment