It’s undeniable that Vice Ganda has reached his own stardom and has definitely made a name of his own in Pinoy Showbiz. Therefore it was just a matter of time before all the criticisms came knocking at his doorstep. That’s inevitable in showbiz. When you’re up, people will keep throwing things at you to knock you down. The good thing is, Vice Ganda understands it and is handling it quite well.
DEALING WITH NEGATIVE COMMENTS. Naitanong tuloy kay Vice sa presscon kung paano niya ipinagtatanggol ang sarili niya sa mga below-the-belt o negative comments at issues. Sagot niya, “Hindi ko po ipinagtatanggol ang sarili ko. Kasi parang pointless ‘pag ipinagtanggol mo pa yung sarili mo.
“Katulad nga ng sinabi ko dati, bakit kailangan mong i-defend o i-explain ang sarili mo sa mga taong hindi ka naman gusto dahil kahit anong sabihin mo hindi ka naman nila paniniwalaan, di ba?
“At bakit mo rin kailangang ipagtanggol at ieksplika ang sarili mo sa mga taong nagmamahal sa iyo, e, kahit anuman ang gawin mo at sabihin mo ay mamahalin ka pa rin nila.
“So, wala, hindi ko po kailangang ipagtanggol ang sarili ko. Hinahayaan ko lang po sila.
“At saka ano din naman ‘yan, e… life is about pushing and pulling yourself.
“Push yourself na ma-achieve yung goal mo and don’t let others pull you down. Ganun lang.
“Dedma lang ako sa kanila. Dedma lang talaga.
“Kasi kung lahat papansinin ko at lahat hahayaan kong maapektuhan ako, hindi ko na magagawa yung trabaho ko.” Iniisip niya ba na detractors agad ang mga ito o puwedeng critic muna?
“Puwede, puwede ring critic,” sabi niya.
“Nasasaiyo rin naman iyan kung paano mo hahayaang maapektuhan ang sarili mo.
“I will never allow anything na maapektuhan ako negatively kasi ako mismo ang masisira.
“Alam ko yung mga taong isinusulat na sinasabi nila sa akin yun kasi concerned sila sa akin.
“Alam ko rin yung mga taong may intensiyong masama kung bakit nila isinulat yun na kahit hindi naman totoo ay isinulat pa rin nila.
“May iba naman kasing hindi naman galing sa katotohanan. Nanggaling lang yun sa ginawa nila para may maisulat din.”
Interestingly enough, that picture of Vice and Marian was taken in Baguio during the Panagbenga Festival. Vice Ganda tweeted how beautiful Marian Rivera is and couldn’t help himself in having his picture taken with the Primetime Queen. Who among the famous female celebrities in the Philippines right now who gets hit with criticisms, unfairly on a daily basis. It’s Marian, that’s who. I call this picture such a kismet moment.
No comments:
Post a Comment