Hindi hurt si Xian Lim tuwing sasabihing nahila lang naman ang career niya ni Kim Chiu. Simula kasi nang mag-partner sila sa Binondo Girl, biglang naging in demand si Xian at sinasabi ngang ipinalit ng ABS-CBN kay Sam Milby na busy naman ngayon sa mga audition sa Hollywood. “Hindi naman ako na-o-offend. Wala namang masama sa sinasabi nila,” sabi ng aktor na nagkaroon ng launching kahapon bilang pinakabagong mukha ng Globe para sa kanilang Globe Super Facebook (sa halagang P10 puwedeng kang mag-Facebook maghapon).
Kaya lang hanggang ngayon, hindi pa rin pala nagli-level up ang relasyon nila ni Kim. Special friends pa rin ang set up nila. “Basta nandito lang ako para sa kanya anytime,” sabi niya kahapon.
Sobrang busy daw kasi nila pareho bilang may ginagawa siyang movie, The Reunion, isang barkada movie na pinagbibidahan nila nina Jessy Mendiola, Julia Montes among others habang si Kim ay sunud-sunod din ang shooting para sa movie nila ni Gov. Vilma Santos na The Healing.
At ngayong ka-level na si Xian nina Sarah Geronimo, Gerald Anderson and Vice Ganda sa pagiging endorser ng Globe, so nag-usap na ba sila ng ex ng young actress (Gerald)? “Isang karangalan na makasama ko siya, sila nila Sarah,” simpleng sagot niya kaya hindi na nabigyan ng intriga.
Swak naman kay Xian ang bagong endorsement dahil mahilig pala siyang mag-check ng facebook.
At kung kontra ang iba sa social networking sites, hooked siya sa Facebook at Twitter. Hindi raw kasi pumapatol sa mga maninira. “I don’t really pay attention. Most of time, acting ko lang naman ang pinipintasan nila. Pero ok lang, hindi ko na lang binabasa ‘yung iba,” katuwiran ng aktor.
Usually nagkakaroon siya ng chance na mag-update ng status niya tuwing nasa traffic siya. Pero ang pinakanaaliw siyang message na nakuha ay nang sabihin na ipinangalan sa kanya ang anak ng isa niyang fan.
Three years pa lang si Xian sa showbiz pero mabilis ang usad ng career niya. In demand siya sa endorsement at tinitilian na siya.
Anyway, exclusive ang Super Facebook sa Globe Prepaid subscribers na perfect sa mga adik sa social networking site pero parating on the go. To avail the offer, i-dial lang ang*143#. Pang-walong endorsement na ito ni Xian.

No comments:
Post a Comment