Hindi man gaanong nakikita sa telebisyon si Judy Ann Santos, kabi-kabila naman ang kanyang mga proyekto—mapa-pelikula man o mapa-endorsement.
Sa set ng pelikulang Mga Mumunting Lihim, nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa Casa Francesco restaurant sa Timog Avenue, Quezon City.
Dito'y makakasama niya sina Janice de Belen, Agot Isidro, at Iza Calzado.
DARK ROLE. Ang kuwento ay umiikot sa apat na magkakaibigan na may mga lihim na sa huli ay ibubunyag ng kanyang karakter.
“Ako si Mariel, sa akin nagsisimula yung mga mumunting lihim. Kumbaga ako yung nagsusulat ng mga lihim ng mga kaibigan ko, ng mga tingin ko sa kaibigan ko… so yun.”
May pagka-kontrabida raw ang role niya rito?
“Slight… Oo ha? Na hindi horror kasi yung Kulam, yung kambal ko dun ‘di ba dark?
“So ahmm… oo ito yung normal na istorya na medyo kontrabida.”
So taliwas ito madalas niyang role, kung saan siya ay inaapi?
Aniya, “Hindi naman siya yung kontrabidang nang-aapi.
“Pero meron siyang mga underground tactics, kung paano niya… kung anong tingin niya sa mga kaibigan niya, kung anong pananaw niya sa mga nangyayari sa paligid niya.”
“Kumbaga, I’m sure na bawat isa sa atin may mga ganun naman tayong…ganung klaseng ugali, ‘di ba?
“Hindi mo na nga lang kailangang ipaalam mo sa kaibigan mo na kung anong nakikita mo sa kanya, isusulat mo na lang.
“Hanggang sa yun na nga...”
No comments:
Post a Comment