Matapos magfile ng actress na si Ara Mina ng kasong Libel and Grave Coercion laban sa kanyang kapatid na si Cristine Reyes, ay nanahimik na ang magkabilang kampo ukol sa bangayan ng magkapatid. Kahit kapayanamin ng ABS-CBN news sa Boracay ay aloof pa din si Cristine sa issue.
Nakausap ng The Buzz si Metring Pascual, pinsang buo ng ina nina Ara at Cristine na si Frances at naging ama-amahan din ni Cristine tungkol sa nasabing isyu. “Nagulat din ako eh. ‘Di ko akalain na magkakaroon sila ng ganoong samaan ng loob, ‘di naman naming iniisip yan dahil maganda naman ang relationship ng kanilang pamilya.”
Nakausap rin daw niya si Cristine sa telepono tungkol sa hidwaan nila ni Ara. “Parang nalungkot siya pero wala naman siyang ibang sinabi. Sabi lang ‘Nagka-anuhan [sagutan] kami ni Ate.’” Maayos naman daw ang relasyon talaga ng magkapatid at kulang lamang daw sa communication. “Mabubuting magkakapatid sila kaya lang kapag ‘di kayo naguusap, walang komunikasyon, hanggang sa naririnig niyo lang yung mga balita, mga intriga, kung baga sa ano, lumalaki lang.” Dagdag pa nito, sana daw ay mag-usap na lamang ang dalawa ng masinsinan. “Dapat talaga mag-usap sila ng harapan. Masosolve naman nila iyan eh. Kaya na nilang solve-in ‘yan nang hindi na siya lumaki. Wala nang demandahan. Nakakalungkot kapag umabot pa sa ganoong parte”.
Ayon sa kaibigan at spokesperson ni Cristine na si Atty. Heather Annang, wala pang natatangap ang kampo nila na subpoena mula sa kampo nina Ara. Pangunahing layunin naman daw ni Cristine ngayon ay makipag-ayos sa kanyang kapatid sa labas ng korte. “Aware din naman siya sa tindi ng publicity na pumapalibot sa kanilang magkapatid. Sa kanya, kung napansin niyo pinili niyang hindi magsalita sa publiko. Kasi para sa kanya ayaw na niyang dagdagan pa ang publicity. At sa tingin niya ang pinaka maayos na paraan para maayos ito ay diretso sa ate niya, pag-usapan nila, privately, between the two of them.”

No comments:
Post a Comment