Marami ang nakapansin sa husay sa pagganap ni Gerald Anderson sa teleseryeng Budoy kamakailan. Pinaghirapan din kasi ng binata ang kanyang role. May ilang acting nominations at awards na ring nakuha si Gerald pero nangangarap pa rin siyang magkaroon ng best actor award.
“Gusto kong maging best actor pero hindi naman importante sa akin ang magkaroon ng award. Sapat na sabihin sa akin, ‘Sobrang ang galing mo sa show na ginagawa mo.’ Kumbaga ’yung acknowledgement na ibibigay sa akin in that way, okay na sa akin ’yon. That’s why I do my best para maging maganda talaga at iba ’yung projects na ginagawa ko,” nakangiting pahayag ni Gerald.
Masaya ang binata dahil nakapagpapasaya siya ng mga manonood sa pamamagitan ng kanyang mga ginagawang proyekto. Kahit matagumpay ang aktor sa kanyang karera ay mayroon din naman siyang mga pinanghihinayangan.
“Sa lahat naman ng mga ginagawa natin may mga frustrations at regrets eh. Like sa normal na trabaho, ‘Sana ginawa ko. Sana hindi ko ginawa ito.’
“Ako naman ina-accept ko lang, I learn from it. I gain from the success I earn. Like I said, hindi lang naman sa showbiz may frustrations, everybody has frustrations,” giit pa ni Gerald.

No comments:
Post a Comment