A few days ago ay naglabas na ng official statement ang aktres upang kumpirmahin ang mga naglalabasang ispekulasyon. Narito ang nilalaman ng pahayag ni Shaina. “To end all speculations, I confirm that John Lloyd and I have agreed to end our relationship. The reason is purely between John Lloyd and myself. I most humbly request everyone to allow us to move on with our respective lives with mutual respect and dignity.”
Matatandaang last year noong Oktubre ay nagkahiwalay na ang dalawa pero ilang buwan lang ang nakalilipas ay naayos nilang muli ang kanilang relasyon.
Samantala, hindi pa rin malinaw kung ang kanilang paghihiwalay ay may kinalaman sa pagkaka-link ngayon ng mahusay na aktor kay Angelica Panganiban. Sinasabi kasing nagkamabutihan daw ang dalawa habang nagsu-shooting sa Thailand para sa upcoming movie na offering ng kanilang talent arm, ang Star Magic.
Coincidentally, napapabalita namang hiwalay na rin sina Angelica at ang boyfriend nitong si Derek Ramsay. Pero ang kumpirmado pa lang ay may pinagdadaanan ngayon ang kanilang relasyon at nasa cool-off stage. Sinabi naman ni Derek na umaasa siyang maaayos pa nila ang kanilang relasyon. Sa kanyang Twitter account ay sinabi rin ni Derek na wala raw katotohanan ang kumakalat na issue between Angelica at John Lloyd.
Napabalita ring hiwalay na sina Rayver Cruz at Cristine Reyes pero itinanggi na ito kamakailan ni Rayver at sinabing wala pa ring nagbabago sa relasyon nila ni Cristine. Nag-post naman ng pictures si Cristine sa kanyang account sa social networking site ng pictures nila ng boyfriend na very sweet bilang patunay na maganda ang relasyon nila ni Rayver.
Nag-celebrate din kamakailan ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo pero iniintrigang magkahiwalay na. Sa isang fashion show kamakailan ay itinanggi rin ni Zanjoe ang isyung ito at sinabing patuloy ang pagganda ng relasyon nila ni Bea.
No comments:
Post a Comment