KIM CHIU guested on The Buzz where she talked about her family, lovelife and career. Ipinagdiwang niya kamakailan ang kanyang 22nd birthday sa pamamagitan ng isang party kasama ang mga less fortunate kids. May soft spot kay Kim ang mga batang walang magulang kasi raw ay nakaka-relate siya sa mga ito. “In a way, nakikita ko ang sarili ko sa kanila,” she said.
Hindi kaila sa lahat na lumaki si Kim sa piling ng kanyang lola at mga kapatid. But what’s amazing about Kim is that she doesn’t feel any resentment towards her parents. “Never, hindi talaga. Siguro sandali lang, parang nagtanong lang ako kung bakit ganito, pero ito ang buhay ko, ito ang destiny ko, tinuturuan ako kung paano tumayo ng sarili and to stay strong.”
She said growing up without her parents somehow affected her in a good way. “Kung nasaan ako ngayon kasi nangarap ako and nagtiwala ako sa sarili ko.” Her lola and siblings are her sources of strength. “Siguro kung hindi dahil sa kanila, normal student [ako]. Siguro ngayon nag-aaral pa ako, simpleng buhay. Dahil kasi sa mga kapatid ko kaya ako nangarap nang malaki, mataas para sa magandang life,” sabi niya.
Mahal na mahal ni Kim ang kanyang pamilya. Kuwento nga ni Enchong Dee who is Kim’s close friend, “Si Kim grabeng magpahalaga sa pamilya. Nagpagawa siya ng bahay. May sariling kuwarto iyong mga kapatid niya. Sa Cebu, nagpagawa siya ng bahay para sa pamilya niya. Iyong mga naabot niya, hindi niya sinasarili. Lahat ng naaabot ni Kim, parating parte iyong pamilya niya.”
Mabait na anak, kapatid at apo si Kim kaya naman patuloy ang pagdating ng mga blessings sa kanya. She was recently chosen as Princess of Philippine TV by the Guillermo Mendoza awards. Aside from this, she is now busy shooting a new movie titled The Healing with Batangas Gov. Vilma Santos. “Ang sarap ng feeling na idol ng lahat, Star For All Seasons, ang tagal-tagal nang artista but still nandito pa rin siya umaarte at tinuturuan niya kami kung paano umarte.”
“Parang sa buhay, idol ko siya. Alam niya kung paano i-divide ang political life niya, family life and pagiging artista. Ang ganda. Nakaka-starstruck talaga kapag kaeksena mo.” Buti na lang daw at wala siyang linya noong first scene nilang dalawa dahil wala siyang nasabi kay Gov. Vi.
Hindi siyempre maiiwasan na hindi mapag-usapan ang mga lalaking nali-link ngayon kay Kim. Charlene (Gonzales) mentioned three names and asked Kim to describe them.
Friend ang turing niya kay Enrique Gil at hindi raw niya alam kung paano lumabas ang isyu na nanliligaw ito sa kanya. “Kaibigan lang talaga siya.”
Long-time friend daw niya si Gerald Anderson. “Okay naman. Masaya naman kami sa kanya-kanya naming buhay.” They have an upcoming movie for Star Magic’s 20th Anniversary. “’Pag trabaho, trabaho. Siyempre kailangan naming gawin ito. Okay naman. We’re okay. We’re good friends.”
A good friend was how she described Xian Lim. Inamin ni Kim na si Xian ang nagpadala sa kanya ng heart-shaped bouquet of flowers when she celebrated her birthday. Nakaka-touch daw kasi pagdating niya sa bahay galing ng shooting ay may puno ng rose sa bahay niya. Nabanggit din ni Kim na mayroon silang upcoming movie ni Xian under Star Cinema.
No comments:
Post a Comment