Sunday, May 6, 2012

Xian Lim, Shares His Experiences Bago Pumasok sa Showbiz


Sa panayam kay Xian Lim sa Showbiz Inside Report, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan bago pa man siya magsimula sa showbiz. Inamin niyang naging biktima siya ng bullying sa eskwelahan; “When I was a kid, I guess I had a very low self-esteem. Ako yung parang sa classroom… ako yung pinag-iinitan lagi. Dumating nga yung point na binubully ako sa classroom hanggang sa umiyak na lang ako. People wanted na pinagtritripan lang. They wanted to take your money because you were weak.”

At dumating pa sa puntong sa restroom siya kumakain. “Kasi di ba pag lunch time, kanya-kanyang cliques. There are the popular guys, the jocks, cheerleaders, emos. I didn’t know where to sit. I try to sit by myself pero I felt ashamed, all the kids were like [looking at me as if I were a] loser. That’s why I thought na I’ll go na lang to the CR, eat my sandwich there para wala na lang makakita sa akin, I’ll just disappear.”

Ngunit hindi hinayaan ni Xian na patuloy na mangyari ito. Kaya naman sinubukan niyang sumali sa basketball team ng kanilang eskwelahan hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Ito din ang rason kung bakit ninais niya umuwi at bumalik ng Pilipinas, para maglaro ng basketball. Pero sadyang may ibang nakalaan para sa kanya.

“Nagpakuha ako ng 2x2 picture, the photographer who took the pictures naisip namin, why not mag-style ng damit? Tinuturuan niya pa nga ako paano mag-smile.” At dito nga ay inaya siya subukang mag-artista at ang rason sa kanyang pagpayag, “Na-excite din ako dahil nakakapanood din ako sa TV, nararamdaman ko na parang model ako dito.”

At dito na nga nagsimula ang kanyang showbiz career bilang isa sa mga kasama sa seryeng My Only Hope nina Kim Chiu at Gerald Anderson noon.

Dumating ang pinakamalaking break sa career ni Xian bilang isa sa mga leading men ni Kim sa seryeng My Binondo Girl. Hinding-hindi niya malilimutan ang nakakanerbiyos niyang pag-akbay sa isang eksena. At nang mapunta na sa kanilang kissing scene, “Yung first kissing scene parang nagkaharap tapos nagtagpo yung lips, masyado akong kinakabahan. Sobrang init nung set, I felt really cold tapos pinapawisan ako. ‘Ano nangyayari sa iyo, wala pa namang nangyayari,’ sabi ni Kim.”

At nang matanong na si Kim kung kamusta na sila ngayon, “Nagiging kumportable sa isa’t isa, we are starting to trust each other, meron na akong confidence na alam niya kung paano ako sa work and as a person.” At sa kung nagda-date ba sila, “Pag merong oras.” Are you courting her? “Basta kami ni Kim, masaya kaming dalawa. Masaya ako whenever I see Kim.”

At kung nakikita niya ba itong napupunta sa isang seryosong relasyong magkasintahan, “Siyempre naman po, pag naramdaman naman yan ng puso, di naman yan mapipigilan. “At ang kanyang unang tinitignan kay Kim? “Her eyes then her smile.”

Ngayong namamayagpag ang kanyang karera at sinusubukan niya ang lahat ng bagay mula sa pag-arte, pag-host, pag-kanta at pagsulat ng kanta, inamin niyang musika talaga ang pinakamalapit sa kanyang puso. “Ang pinakacomfortable ako is yung pinagsimulan ko, yung foundation ko, music.”

At sa kritisismong kanyang natatanggap, “I know I am stronger now. Pero when they talk about it, iniintindi ko lang siya. ‘Bakit kaya niya nasabi yun? Baka may katotohanan nasabi niya?’ Pero kung talagang walang sense, I’ll just disregard, kapag may sense I’ll do better instead.”

No comments:

Post a Comment