HINDI LANG naman si Rommel Padilla na daddy ng bagets actor na si Daniel Padilla ang nagugulat sa nararamdaman ngayong kasikatan ng kanyang anak sa showbiz. Kundi, talagang maraming mga naunang artistang bagets ng ABS-CBN ang dapat na mabahala, dahil talagang maraming fans ngayon ang pamangkin ni Robin Padilla. Malaking tulong din kasi na ipinu-push talaga ng Dos ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo na napapanood sa teleser-yeng Princess And I ng Kapamilya Network.
Maaga pa para ihalintulad ang popularity ni Daniel sa pagdumog ng mga fans noon ni Robin, dahil si Binoe ay nagustuhan talaga ng masa mula sa mga bata hanggang sa matatanda. Pero ang nakakakaba ngayon sa kasikatan ni Daniel, inilampaso niya ang nagsimula nang kasikatan nina Enrique Gil, Sam Concepcion at Diego Loyzaga, lalo pa’t ang inaasahang kasikatan ng anak ni Cesar Montano ay hindi na pinag-uusapan sa ngayon.
Maamo ang kamera sa kaguwapuhan ni Daniel, dahil napakaganda ng rehistro niya sa TV screen. Hindi naman iyan nakapagtataka, dahil makinis si Rommel at larga sa ganda ang mukha ng mommy ng bagets na si Karla Estrada. Magaling din si Daniel magpakilig, dahil kung ano ‘yung inaasahan ng kanilang mg fans ni Kathryn na kanyang ipakita, ginagawa niya. Sobra siyang malambing kay Kathryn. Ang namana ni Daniel sa ugali ng Tito Robin niya, hindi mayabang si Daniel sa pagdadala ng nag-uuminit niya ngayong kasikatan.
MALAYO PA ang kampanyahan para sa mga artistang gustong tumakbo sa darating na halalan, pero nagkakaroon na kaagad ng isyu tungkol kina Phillip Salvador at sa kasalukuyang vice-governor ng Bulacan na si Daniel Fernando. Nagkaklaro na si Kuya Ipe at ang iba pang mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz, na kahit pa may plano na ang magaling na actor na pumalaot sa larangan ng pulitika ay wala naman sa ugali niya ang manira ng kapwa niya, at nababanggit na nga ang pangalan ni Daniel.
Kung kilala si Phillip sa showbiz bilang napakabait na tao, maipagmamalaki rin namin si Daniel na bilang artista ay napakabuti ring tao. Mga beteranong manunulat sa showbiz ang nagkuwento sa amin na totoong tao si Daniel, kaya nu’ng umentra na kami sa pagsusulat ay si Daniel ‘yung una kong ininterbyu, at napatunayan kong mabait nga siya at mapakisama, dahil lagi ko siyang nakakasama noon at nakikita ko kung papaano, na kapag marami siyang raket ay marami siyang mga kakilalang kapwa artista na walang raket na tinutulungan kahit wala pa siya noong planong pumasok sa pulitika.
Nu’ng Huwebes ng gabi ay nag-text ako kay Daniel para mapag-usapan kung may isyu ba talagang dapat linawin tungkol sa kanila ni Kuya Ipe. Tatlong beses nagreply si Daniel, at ang dalawang mensahe ay nagsasabing: “Melchor, tatawagan kita mamaya”. Naghintay naman ako ng tawag niya. Pero ang mamaya ay naging magdamag. Dumating ang kinabukasan, wala pa rin siyang tawag hanggang sa tinitipa ko ang kolum na ito. Ganyan na si Daniel magmula nang maging vice-governor. Kaya Daniel, gusto kong isipin na pinagbago ka na nga ng kasalukuyang posisyon mo sa buhay.
No comments:
Post a Comment