Sa story conference pa lang ng kanilang gagawing pelikula ay kwela na agad ang pagsasama nina Vice Ganda, Toni Gonzaga at Luis Manzano sa Star Cinema office noong June 7. Nagbiro pa si Vice na balak nilang lampasan ang tagumpay ng huli niyang pelikula, Praybeyt Benjamin, na tinaguriang highest-grossing Filipino film sa ngayon. “With all humility ito yung movie na kakabog sa Praybeyt Benjamin. Hahaha! Charot lang! Kayayabang ng mga artistang ito,” natatawang sabi ng comedian/host sa panayam ng ABS-CBN reporters.
Ayaw niyang paapekto sa kung ano mang expectations ng ibang tao sa kanila, pero wala rin namang masama kung maging positibo sila at hilingin na maging patok sa takilya ang kanilang proyekto. “Ine-entertain ko lang yung excitement, ayoko yung pressure. Kasi katulad dati, ‘di ba sabi niyo nakakapressure kasi yung sinundan ng Praybeyt Benjamin yung No Other Woman. Dinedma ko yung pressure. Sabi ko nga kini-claim ko yung victory, pinagdadasal ko, at alam kong merong kalalagyan itong pelikulang ito. Third movie ko ito with Direk Wenn Deramas.”
Excited sin si Vice dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatrabaho niya si Toni na isa sa mga close friends niya. “Basta ang ine-expect lang namin e magiging masaya yung gagawin naming pelikula. Kahit ‘di pa kami nagsisimulang mag-shoot masaya na kami agad, maganda yung vibe, magaan lang. Excited ako kasi matagal ko ng gusto makasama si Toni ng maya’t maya tsikahan, rampa, trabaho.”
Dagdag naman ni Toni, “Ito yung isang proyekto na ilu-look forward mong pumasok dahil alam mong maganda yung materyal, masarap katrabaho yung mga makakasama mo at yung director ay napakahusay at pinagkakatiwalaan naming tatlo nina Vice at Luis. Love triangle kami dito. May mga mag-aaway, magkakainisan, at magkaka-developan.”
Hindi kaya maging isyu sa kanila ang bilang dahil pare-pareho silang malalaking artista? Pabirong sabi agad ni Vice, “Ako, wala akong problema sa una. Kung una ako, go!” Pero wala raw problema sa kanya kung si Toni man ang mauna sa billing dahil ito naman ang only girl. Ito naman ang naging sagot ni Toni: “Wala akong problema sa billing basta okay yung tseke. Hahaha!”

No comments:
Post a Comment