Thursday, July 26, 2012

Chris Tiu Hindi makapag desisyon kung sasali siya sa PBA

Si Chris Tiu ang bagong ambassador ng AKTV, ang sports channel ng TV5, para sa larong basketball.

Pumirma ng kontrata si Chris kahapon, July 25, sa Kanto restaurant ng Podium sa Ortigas Center, Pasig City.

Makakasama ni Chris bilang Sports5 ambassadors sina Derek Ramsay (frisbee) at ang magkapatid na Phil at James Younghusband (football).

Ipinaliwanag ni Chris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang mga gagawin niya bilang ambassador ng basketball.

“Basically, I’ll be the ambassador of basketball for AKTV.

“It’s a ‘1-on 1 Tiu-torials,’ but more than that, it’s really to promote and encourage Filipino people, the youth, to get into basketball.

“Basically, because of the values that’s put in the game.”

Walang duda na gusto ni Chris ang bago niyang ginagawa sa AKTV.

“Itong AKTV, sports ito, e. Ito talaga ang pinaka-advocacy ko from the very beginning.

“I’ve encouraged people to go into sports, lalo na yung basketball—yun talaga ang pinaka-sports ko, e.

“At tulad nga ng sinabi ko, yung mga values na matututunan mo dito, minsan hindi mo mapi-pick up sa classroom yun.”

Paano kung tapatan ng GMA-7 ang mga shows niya ngayon sa TV5? May regular show kasi ngayon si Chris sa Kapuso network, ang Ibilib.

“Ay, wala naman silang sports channel, e! So, hindi mangyayari yun.

“Siguro ang maganda, bilhin na lang ni MVP [Manny V. Pangilinan, TV5 chairman], para tapos na problema!” biro niya.

Matagal na ang usap-usapang balak bilhin ni MVP ang majority share ng Kapuso network, pero wala pang pinal na negosasyon tungkol dito.

Dagdag din ni Chris, “Pero sila Mr. [Felipe] Gozon naman, very supportive naman. I mean, family friends din sila, so lahat naman kaibigan.”

FREELANCER. Marami rin ang nagtatanong: Isa na bang Kapatid si Chris at umalis na siya sa GMA-7?

Paliwanag ng sikat na basketball player, “Actually, freelance talaga ako. Kasi, may program ako with GMA, may show rin ako sa TV5.

“Ito, AKTV, yung sports channel ng 5. Sa GMA, meron pa rin ako, yung Ibilib.

“Hindi ako lumipat. May program ako sa 7, may program ako sa 5, sa entertainment.

“Itong AKTV, it’s a sports channel of TV5 and as a sports ambassador ng TV5.”

Nilinaw rin ni Chris na wala siyang network contract kahit saan.

Maayos naman daw ang naging pag-uusap sa GMA-7 at sa pagtatrabaho niya sa TV5 at AKTV.

“Siyempre, basta maayos naman sa format, hindi maglaban sa timeslot.

“Kasi I’ve done that na before, sa TV5, may Ako Mismo ako, saka yung Toink.”

Hindi kaya mapagsimulan ng intriga o inggit na napapayagan siyang magpalipat-lipat ng network?

Tila napaisip muna si Chris bago sumagot, at natatawa na lang na nasabing, “Ay, hindi ko alam. Tanong niyo sa kanila!”

GOING PROFESSIONAL. Pagdating naman sa kanyang basketball career, masasabing nasa “crucial period” ngayon si Chris.

Pinag-iisipan kasi niya kung aakyat siya sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang isang professional player o hindi.

Matapos kasi ang paglalaro niya bilang varsity player ng Ateneo ay napabilang si Chris sa basketball National Team, ang Smart Gilas, na lumalaban sa international competitions.

Sabi ni Chris tungkol dito, “Actually, I’m on break.

“It’s a very crucial period, decision-making for my career, whether I’ll join the PBA or not, because everybody’s asking me that.

“It’s been an ongoing question. Kasi deadline na ng application next week.”

Ang tinutukoy ni Chris ay ang application para sa rookies na makakasali sa drafting sa susunod na PBA season.

Sa ngayon, ano ba ang desisyon niya?

“Yun nga, e, hindi pa ako nakakapag-decide. Hanggang next week ang deadline ng application.”

Hindi pa raw talaga masabi ni Chris kung ano ang mas magiging matimbang na desisyon sa kanya. Although sa ngayon, nasa “55-45” na raw ang ratio.

“Unsure nga ako, e. Dati gitna, 50-50.

“Pero kahapon o today, medyo lamang na, mga 55-45.

“Siguro fifty-five, basketball. Forty-five, no more basketball.”

Mas nahihirapan daw siyang magdesisyon dahil “mixed opinion” ang nakukuha niya mula sa pamilya at mga taong nakapaligid sa kanya.

Aniya, “Kaya ako nalilito. Ang parents ko naman, okay naman, supportive sila sa basketball.”

BUSINESS. Ano ang dahilan kung bakit siya nahihirapang gumawa ng desisyon, gayong nakilala naman siya bilang isang basketball player?

“One, yung time ko.

“Definitely, priority ko na ang basketball. Araw-araw practice yun. Kalahating araw yun.

“Tapos, nakakapagod yun. So, definitely, magka-cut down ako sa ibang mga projects ko.

“I’ll take time-off sa mga business. Medyo hands-off ako sa mga business.

“Yung mga shows, I think, kakayanin naman.

“Hindi naman ako acting, na whole day kailangan nandoon. Yung mga artista, ganoon."

Dagdag ng 27-year-old athlete, “Tapos yung number two, sabi ko nga, sa age ko ngayon, crucial ang time na ito na matuto on how to, you know, yung mga important decisions sa business.

“Yung mga mistakes, na dapat ngayon ko na ma-experience iyan, para matuto na ako.

“Galing ako ng business course, e. Karamihan ng kaklase ko, mga negosyante na or corporate, mataas na ang posisyon nila sa corporate ladder.

“Ako, ngayon, medyo behind na 'ko.

“Paano pa kung nagti-TV ako ng ilang taon, tapos sasabak ako sa business? Sobrang behind na ako.

“E, yun naman ang nakikita kong long-term na plano ko, e.

“So, yun ang consideration kung bakit.

“Ayoko namang sumali ng later on sa family business. Member ako ng family.”

BASKETBALL. May dahilan daw kung bakit nasa 55 percent na ibinibigay niya pabor sa paglalaro ng basketball.

Ayon kay Chris, “Bakit naman gusto kong mag-basketball? Siyempre, passion ko ang basketball, e.

“Ang tagal kong naglalaro at saka enjoy talaga akong naglalaro.

“Number two, yung basketball talaga is still the number one sport sa Pilipinas.

“Ang daming nanonood, ang daming sumusunod, ang daming umiidolo sa mga basketball players.

“And for me, I can use it as platform for me to spread and to let people know and make them aware of my different advocacy.”

Naniniwala si Chris na dahil sa pagiging basketball player niya ay marami siyang mga taong nai-inspire, kahit na noong nag-aaral pa lang siya.

“Yun nga ang sinasabi ko, na kahit saan ako pumunta, yung mga security guard, waiter, kahit mga estudyante, mga parents, lalapit sila sa akin at sasabihin nila, ‘Idol, kailan ka maglalaro? Na-miss ka na naming makitang naglalaro.’

“Sasabihin ng mga magulang sa akin, ‘You know, you really inspired my kids to study hard and play basketball.’

“’Especially in Ateneo, you’re a student athlete, you’re an honor student, tapos team captain ka ng Ateneo, and then you play for the National team.’

“Na-inspire daw sila to do the same and get into sports. Basically to be a good role model to their kids.

“Kapag naririnig ko yun, doon ako nata-touch at doon ako napapaisip na, nandito na ako, may opportunity, at malaking platform to spread good and be a good influence to others, di ba?

“And then, tatalikuran mong ganoon?

“Kung selfish ako, puwede kong hindi gawin.

“Pero ang turo sa akin—ever since, sa Xavier pa lang ako, sa Ateneo—has always been ‘we are men and women for others, we should give back also.’

“And I think, sa talent, sa blessing na ibinigay ng Diyos sa akin, I also owe it to Him to share with others.

“And what other way than to continue playing for people to see me actually play?

“So, yun ang sagot ko sa tanong mo. Kaya nga lamáng ang basketball ngayon.”

No comments:

Post a Comment