Sunday, July 29, 2012

Chris Tiu Sinaving Ang Larong may sakitan sa Basket ball ay maaring maganap kahit saan man sa Mundo

Very loyal ang basketball player at TV host na si Chris Tiu sa kanyang long-time girlfriend, ang investment banker na si Clarisse Ong, kaya never daw niyang pinatulan ang sabi-sabing may crush sa kanya ang TV5 princess na si Alex Gonzaga.

Balewala nga sa 27-year-old athlete ang usap-usapang ito kahit na madalas tuksuhin si Alex kay Chris ng kasamahang hosts sa Juicy! ng actress-TV host.

Sabi ni Chris, “Biro-biro lang naman, di ba? Okay lang.

“Pag pinatulan mo, lalo lang lalaki iyan, magiging isyu iyan.

“E, kung ganun-ganun lang naman, niloloko siya sa akin, maki-ride ka na lang, di ba?

“Flattering nga yun na crush ka ng isang tao, di ba?”

Nakausap ng Hot Pinoy Showbiz si Chris sa contract signing niya bilang basketball ambassador ng AKTV at Sports5, ang sports arm ng TV5.

Ginanap ito noong Hulyo 25 sa Kanto restaurant sa Podium Mall, Ortigas Center, Pasig City.

Nagkasama na sa dating game show ng TV5, ang Toink!, sina Chris at Alex. Pero never naman daw nilang napag-usapan ang tungkol sa crush issue.

Ayon sa basketball star-TV host, “Nung nakasama ko naman si Alex sa taping, parang kapatid ko lang na bata, e. Wala namang anything romantic or what.

“Trabaho lang kami, tapos kuwentuhan, tawanan, ganyan.

“Kung hindi naman ako sinasabihan ng tao ng ganun… hindi ko nga alam na crush niya pala ako or what.

"May nagsabi lang sa akin na nagsimula yung isyu sa Juicy.

“Sa akin, kung wala namang katotohanan sa ganung rumors, mawawala rin naman yun, e.”

BASKETBALL AMBASSADOR. Ngayon nga ay may dagdag trabaho ang binata: kinuha si Chris Tiu bilang basketball ambassador ng Sports5.



Makakasama ni Chris bilang Sports5 ambassadors sina Derek Ramsay (frisbee) at ang magkapatid na Phil at James Younghusband (football).

Mapapanood basketball ambassador sa instructional segment na 1-on-1 TIUtorials, na eere sa AKTV sa IBC 13—ang 24/7 sports channel ng Sports5.

GAME-FIXING. Bilang basketball ambassador, hiningan din ng PEP si Chris ng komento sa kontrobersiya kamakailan sa PBA tungkol sa game-fixing.

Matatandaang nasuspinde at pinagmulta pa ng ng kalahating milyong piso ang Barako Bull player na si Don Allado matapos niyang akusahan ang PBA ng game-fixing sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Pero binawi rin ni Don ang kanyang sinabi at naglabas pa ito ng public apology.

Sabi ni Chris tungkol sa nangyari kay Don: “Well, I think people sometimes, especially kung galing sa after a game, you know, talo, emotions are high.

“Sometimes people make the mistake of expressing their thoughts right away, after a certain event or incident where your emotions are still high.

“And I think, that’s not the best solution to handle your frustrations or what, in anything—in a relationship, in a problem with a boss, or after a game.

“Kasi when emotions are high, minsan kung ano yung naisip mo, sasabihin mo kaagad, e. That’s something you don’t want to do.

“Let your emotions settle down, when you’re level-headed at saka ka magsalita.

“I guess right after the game, siyempre mainit ang ulo mo siguro, nasabi niya yung nasa utak niya, nasa isip niya, then na-realize niya later on na medyo siguro nag-overboard siya sa nasabi niya.”

Hindi tuwirang sinasabi ni Chris kung naniniwala siya o hindi na may game-fixing sa PBA.

Sa halip, sinabi niyang posibleng magkaroon ng dayaan sa kahit anong liga o sport, sa kahit anong lebel, at sa kahit anong lugar sa mundo.

“It’s possible anywhere, any league. Kahit sa ligang barangay nga, di ba?

“Yun ang beauty and not-beauty ng basketball, e, or any sport. Kasi sobrang dibdib ng mga tao na manalo.



“Yung mga ligang barangay nga, nagsusuntukan pa, e.

“Anywhere in the world, merong ganyan.”

GRATEFUL TO TV5. Samantala, malaki ang pasasalamat ni Chris sa TV5 dahil sa magagandang shows at projects na ibinibigay sa kanya.

He makes special mention of Ako Mismo, his first show at the Kapatid channel.

“Yes, I’m truly grateful, kasi yung unang program ko sa TV5, yung Ako Mismo, that was a show that featured unsung heroes.

“Inspirational show talaga siya, wherein we featured people who are not normally recognized—like mga ordinary public school teachers, na halos walang kinikita pero maglalakbay ng two hours sa bundok, mainit, na nakapaa lang, para lang magpunta sa school at magsundo ng mga bata.

“Yung mga ganung istorya ang pini-feature namin.

“Merong isang bata na naputulan ng kamay. Tapos, right in her face, nakikita niya na mine-murder yung daddy niya.

“Tapos hindi siya nawalan ng pag-asa, nagpursige siya, nag-training siya. Ngayon chef na siya sa isang five-star hotel.

“Yun ang gusto kong istorya na, you know, you encourage people to have hope and to do positive things for our society, for the Philippines.

“Yun ang magandang project talaga na ibinigay sa akin ng TV5. And very thankful ako doon.”

Hindi rin daw niya makakalimutan ang show nila ni Alex, ang Toink!

“Yun naman medyo iba, comedy na trivia. So, may educational component ka pa rin.

“Yung trivia kasi namin ano, e… useful trivia about history, about the Philippines, about our geography, ganun, pero may comedy component lang para medyo entertaining.

“Yung ibinibigay naman ng TV5 sa akin, I think, are their good quality projects,” sabi ni Chris.

No comments:

Post a Comment