Malaking bagay raw para kay Christian Bautista ang pag-abot sa platinum record ng kanyang latest album dahil patunay raw ito na marami pa rin ang sumusuporta sa kanya. “Nakakagulat at nagpapasalamat ako sa mga fans na hindi ako iniwan for 10 years kahit anong nangyari,” simula niya.
“So far so good. I always just want to do my best. It’s not enough you record good songs, it’s also your hard work na ilalagay pag magma-market ka, mag-promote ka, mag-presscon ka, mag-mall show ka ng bente o isang daan, ikaw rin ang magbebenta nito.”
Nang tanungin siya ng Push.com.ph kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon niya ng platinum award, ang sagot niya, “It really helps. It’s like a little vindication na somehow people still follow us, really support us, no matter how many good people come out now may mga bago. In a way may following na hindi kami iniwan.”
Sa sampung taon daw niya sa industriya, naranasan na ni Christian na may bagong singer or performers na biglang magiging maingay, dahilan para humigpit ang kumpetisyon. “Ang importanteng gagawin mo nga how do you find ways [to stay in the game]. ‘Yung mga fans mo na nakuha mo, nagmamahal sa ‘yo [para] di ka iiwan o paano ka rin magiging interesting enough para sa fans ng ibang tao na magkaroon ng interes sa ‘yo.”
Nang tanungin kung ano ang susunod niyang pagkakaabalahan, ang sagot ni Christian, “Sa ngayon wala pa, ‘di ko pa alam kung anong direksyon ang gusto kong gawin, whether music or in my career, so hinahanap ko pa kung anong gusto kong gawin.”
Samantala, magkakaroon naman ng major concert si Christian sa darating na October 6, 7, 12, 13 at 14 na may pamagat na X Class sa Meralco Theater bilang pagdiriwang din ng kanyang 10 taon sa industriya.
Magkakaroon din siya ng TV Special sa ABS-CBN sa Sunday’s Best ngayong July 8 bilang bahagi pa rin ng kanyang isang dekada sa industriya.

No comments:
Post a Comment