Monday, July 16, 2012

Chynna Ortaleza gagawa ng Indie film?

Kasama pa rin si Chynna Ortaleza sa ikalawang yugto ng GMA-7 primetime series na Luna Blanca, kunsaan ginagampanan niya ang papel ni Divine Pero sa pagkakaalam niya, posibleng ibang mga artista na ang mapapanood sa ikatlong yugto ng serye.
Sa unang yugto ng Luna Blanca ay si Chynna, bilang Divine, ang nagpapahirap ng buhay ni Camille Prats (bilang Rowena) at ng mga anak nitong sina Jillian Ward (Luna) at Mona Louise Rey (Blanca).
Ganito pa rin ba ang karakter ng role niya sa book two, na pinagbibidahan na nina Barbie Forteza bilang Luna at Bea Binene bilang Bianca?
“Ano pa nga ba?” natatawang sabi niya sa Hot Pinoy Showbiz.
Dagdag ni Chynna, “Pero hanggang third book iyan. Ang Divine at  Rowena na characters, parang Luna at Blanca lang.
"Pero alam ko, hanggang second book lang talaga kami.
"Actually, nakakagulat na nandito pa rin kami. Puwede namang pinatanda na nila.
“Pero ang laking challenge, ha.
"Actually, mga plus seven years lang ang idinagdag so hindi naman yung uugod-ugod na. Magtsi-change ang hitsura. 
"Ako lang, hindi ko pa nagawa ngayon kasi nagte-taping pa ako kahapon.  So, walang panahon.”
Masaya si Chynna sa mga feedback na natatanggap niya kaugnay ng pagganap niya sa teleserye. Minsan pa nga ay ikinagugulat niya kapag may nagtu-tweet sa kanya na sinasabing ang sama o ang salbahe niya.
Kadalasan daw ay matatanda ang "nagagalit" sa kanya.
Ani Chynna, “Hindi pa mga bata mismo ang nagagalit, yung mga lola, mga nanay.
"Siguro kasi, alam nila ang feeling ng mag-alaga ng bata at pagkatapos, makikita mo na may ganoong klase ng tao na ang sama ng ugali—talagang binubugbog ang bata.”
Sa kabila nito, masaya ang Kapuso actress dahil ibig sabihin daw nito ay epektibo ang ginagawa niya.
“Keri naman na makakuha ka ng reaksiyon na ganoon. Para saan pa ang pang-aapi ko kung hindi naman sila naawa o nagalit sa akin?" rason niya.
THE KONTRABIDA. Natutuwa rin si Chynna dahil pagkatapos niyang gawin ang Legacy, kunsaan siya ang gumanap bilang batang Cherie Gil, natupad ang pangako sa kanya ng Kapuso network na gawin siyang isang character actress.
"Dati kasi, puro salita lang. Alam mo yung kakausapin ka, pero hindi naman natutupad. 
"Pero ngayon, after ng blessing ni God na yun, na nabigyan ako ng very brief but very good role sa Legacy, kinausap nila ako. 
"Sinabi nila sa akin na ganoon nga ang gusto nilang tahakin ko na landas, na natupad naman sa Luna Blanca.
“'Tapos, ang maganda pa niyan, kinasahan pa nila ako ng indie film, yung Basement, na parang nagba-balance yung character role."
Three years ang pinirmahang guaranteed contract ni Chynna sa Kapuso network. 
Ngunit higit sa mga proyekto, nais ng aktres na natsa-challenge siya sa mga role na ibibigay sa kanya ng home network.
MIGRANTE. Bukod sa Luna Blanca, kasama rin si Chynna sa indie film na Migrante.
Ang pelikulang ito na idinirek ni Joel Lamangan ay tumatalakay sa Overseas Filipino Workers (OFW) na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang masuportahan ang kanilang pamilya sa Pilipinas.
Kagabi, July 15, ay nagkaroon ng special screening ang pelikula sa Robinsons Galleria Cinema 5. Ayon sa karamihan ng mga nakapanood, mahusay ang ipinakitang performance ni Chynna bilang OFW sa Israel.
Ano ang reaksiyon niya rito?
"Siyempre ako, forever ang tingin ko sa acting ko, pangit. Parang hindi ako nasa-satisfy!" natatawang sabi niya.
Dahil matagal na siyang hindi lumalabas sa pelikula, posible raw na manibago sa hitsura niya ang ilang manonood.
Iba kasi ang feeling sa TV at iba ang feeling sa movie.  
"Alam n'yo ba na ‘yan lang ang nag-iisang pelikula ko na ang tagal-tagal?
"Hindi ako nakikita sa pelikula ng tao, pero unang pelikula ko ito na lalabas na wala... ang pangit ko—walang make-up, deglamorized. 
"Nagagalit siya sa amin [Direk Joel Lamangan] kapag nagmi-make-up kami.
“Kasi, sino nga bang OFW ang naka-muher, di ba? So, talagang wala.  Walang ayos, walang lipstick.
“Pero dito ko nakita ang benefit ng indie.
"May mga unconventional roles na hinahanap ko sa TV, diyan ko makukuha. So, magandang avenue talaga siya for acting.
"Kaya sana, magkaroon pa ako ng iba’t ibang offers pagdating sa indie.”
MARRIAGE PLANS. Siyam na taon na ang itinatagal ng relasyon ni Chynna sa boyfriend niyang si Railey Valeroso.
Hindi na aktibo sa showbiz si Railey pero napapanatili nilang matatag ang kanilang relasyon. Wala pa ba silang planong magpakasal?
Sagot ni Chynna, “Actually, hindi ako napi-pressure sa kasal. Mas napi-pressure ako kung magkakaanak pa ba ako kapag nagpakasal kami.”
Magti-thirty years old na si Chynna sa December.
So, wala pa silang balak pakasal?
“Tatapusin ko muna ang kontrata ko sa GMA. Three years pa.
"Feeling ko kasi, sayang naman ang hiningi ko. Parang ang kapal naman ng fez [mukha] ko na hiningi ko yung kontrata 'tapos hindi ko iho-honor."
Okay ba kay Railey na maghintay?
“Oo naman, kasi tinatapos pa rin naman niya ang pag-aaral niya. 
"Pero alam mo, na-touch ako sa kanya kasi alam ko naman kung gaano niya kagustong magkaanak. 
"Hindi pa now, pero kapag ikinasal kami, gusto niya, may baby kami.  Hindi lang isa, mga tatlo!
“Pero minsan, nag-uusap kami, sabi niya, 'Kung hindi man umayon ang panahon na magpakasal tayo agad, I’ll be happy na magpakasal tayo kahit tayo lang sa buhay at walang anak.'
"For him na sabihin yun, malaking bagay yun sa akin," sabi ni Chynna.



No comments:

Post a Comment