Tuesday, July 31, 2012

Daniel Matsunaga Nakapag Move on na pagkatapos ng Break up nila ni Heart

Nakakuwentuhan ng Hot Pinoy Showbiz ang Japanese-Brazilian model-actor na si Daniel Matsunaga sa last airing ng Paparazzi Showbiz Exposed noong Sabado, July 28, sa Broadway Studio ng TV5.

Sumalang sa showsi Daniel para i-promote ang bagong show na kinabibilangan niya sa Kapatid network, ang Third Eye.



DANIEL AS A KAPATID. Matatandaang galing siya sa GMA-7 at tumawid sa Kapatid network nitong taon.

May kakaibang ngiti sa mukha si Daniel nang kumustahin ng PEP ang career niya sa TV5.

“Masaya ako, masaya ako. Siyempre, ang daming opportunities," nakangiting sabi niya.

Ang rason ng pagiging masaya ni Daniel sa bago niyang istasyon ay hindi lang dahil sa Third Eye kundi dahil kasama rin siya sa Game ‘N Go at sa "eco-serye" na Enchanted Garden. 

“Ang dami! Ang daming tapings. Wala akong tulog, pero okey lang… masaya.

“Siyempre, di ba? Bagong experience rin sa buhay ko and I’m learning a lot.

"I’m getting better, even yung Tagalog ko," sabi niya.

Masasabi bang mas nabigyan siya ng mas magandang opportunity sa TV5 kesa sa GMA-7?

“Well, I wouldn’t compare kasi they’ve [GMA-7] given me also a lot of opportunities. 

"Pero dito sa TV5, it’s really amazing.

“Amazing time for me and they were really nice to me, to give me yung contract—non-exclusive with guarantee.

"I’m very, very happy. No words to say how happy I am dahil dami ng work ngayon.

"At least, I have something to do, di ba?

“Kasi before, I was more of working on my workshops.

“Dami kong workshops—yung Tagalog, acting, singing, guitar. And dati, halos wala akong dialogues.

“Pero ngayon… kasi kahapon [last Friday] sa Enchanted Garden, taping namin… yung ten-hog?”

Ang ibig sabihin ng "ten-hog" ay sampung magkaka-tuhog na eksena na walang cut.

“Oo, yun ang ginawa ko, ten-hog. First taping day ko with Direk Joel [Lamangan]. I was kinda nervous, di ba? Pressured.

“Pero isang take lang yung ten-hog. I was really happy dahil ano… kaya ko… kaya ko!”

Tumanggi nang magdetalye si Daniel sa kung ano ang eksenang kinunan sa kanya.


WHERE’S AKIHIRO? Maninging ang career ngayon ni Daniel. Pero tila kabaligtaran naman ang nangyayari sa kapwa Japanese-Brazilian niyang si Akihiro Sato, na pagkatapos manalo sa Survivor Philippines Celebrity Edition ng GMA-7 ay parang lumamlam ang career.

Kung tutuusin, kahit sabay silang pumasok sa showbiz, dati’y mas sikat si Akihiro kay Daniel. Pero ngayon, mas visible na sa showbiz si Daniel.

Pero ayon kay Daniel, “Well, I’m really working for it, di ba?

"I don’t wanna compare myself with my friend, kasi he’s kinda my brother…

“And bumalik siya sa Brazil. Nandun siya ngayon.

“I’m really happy now, kasi I’m really happy now.

"I’m making it where my goal is to be a much better person—learn a lot, pursue showbiz.

“Yung career na gusto ko talaga sa buhay ko.

“I’m very happy that things are coming right and I’m doing my best to pursue it.”


SECOND-CLASS CITIZEN. Noong sila pa ng aktres na si Heart Evangelista, nabanggit ni Daniel sa interviews ang pagnanais niyang maging isang Filipino kahit second class lang.

Ngayong wala na sila ng aktres, nandoon pa rin ba ang pagnanais niyang maging Pinoy kahit sa papel lang?

“Yes, gusto ko, gusto ko.

Wala akong [Filipino] blood, e. Siguro just inject na lang yung blood ng Pinoy sa akin sa Makati Med,” biro niya.

Sa seryosong tono, sabi ni Daniel, “Gusto ko talaga, at least, kahit maging resident lang.

"Kasi you know, may working permit ako for three years, pero kung puwede, di ba?

“Kung puwede yung national citizenship, yung ganun… gusto ko talaga… I’m waiting.

“Gusto ko talaga. I live here already, di ba? Meron akong pamilya dito…

“May asawa nang Filipino ang kapatid ko, si Vanessa. Filipino yung husband."

Gustong manirahan ni Daniel sa Pilipinas dahil narito ang kanyang fulfilling career sa showbiz.

“I have already everything settled. I have my stuff. I have a family.

“Parang meron akong life here. So, my plan sa future is to bring my family here instead of going back to Brazil... dito na lang kami.”

Mga kailan niya ito gustong mangyari?

“Well, I need to save first.

"Hindi ko alam kung kailan, pero kung meron soon, puwede as much as possible.

“Depende rin sa trabaho at sa income.”


MOVING ON. Napangiti si Daniel nang sabihin naming marami ang nag-akalang na-disillusion siya sa breakup nila ni Heart at nawalan na siya ng ganang mag-showbiz.

“Actually, it was kinda good that it happened to my life.

"Kasi ngayon, single ako, I am very much more focused and everything.

"Masaya ako, ang daming opportunities… moved on… okey na ako.”

Wala na ba siyang communication kay Heart?

“No, we keep in touch, we’re okay naman. We’re not like enemies, we’re friends.

“We’re two friends. I even met her the other day. Everything is fine naman."

Dagdag ni Daniel, “Wala akong dini-date ngayon. Single talaga ako ngayon.

“I’m very much focused sa trabaho.”

No comments:

Post a Comment