Sunday, July 29, 2012

Ding dong Dantes Loyal padin sa GMA Network Kahit na nag karoon ng project sa kabila

ONE MORE TRY. Ang tinutukoy ng actor-TV host ay ang MMFF 2012 entry na One More Try.

Dito ay makakasama niya sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at si Zanjoe Marudo.

Ito ang ikalawang pelikula ni Dingdong sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Ang una niyang ginawa para sa kanila ay Segunda Mano, na co-produced nila ng co-star niyang si Kris Aquino.

Ano ang pakiramdam na nakakatawid siya sa ibang film outfit kahit nakakontrata siya sa GMA-7?

Sagot ng primetime star ng Kapuso network: “Pangalawang beses pa lang naman. Nagkataon lang na naging maganda yung usapan.

“Ako, I feel very lucky na I was given this very rare opportunity, so maganda kasi na nakakasubok tayo ng ibang projects, ibang trabaho, ibang makakasama.

“Kasi maliit lang naman yung industriya. Siyempre, nagkakatulungan tayo.

“Malaking bagay na nakakatawid ako, pero loyal pa rin naman ako dun sa aking original network.”

Kahit na galing sa GMA-7 ang kasama ni Dingdong sa One More Try, na si Angel Locsin, first time lang daw itong makatrabaho ng aktor.

Bagamat nagkakilala naman daw sila noon sa Kapuso network.

Pahayag ni Dingdong, “Nag-abot naman kami sa GMA before, pero never kami nagkatrabaho.

“Nakaka-four days na kami ngayon sa shooting ng pelikula.

“Medyo nagwa-warm up pa lang kami, pero masaya kasi kinunan namin yung mga light scenes.


“As we go along, medyo pabigat na nang pabigat yun, so medyo magandang start yung ginawa namin sa movie.

“It’s an adult drama,” pagtukoy niya sa tema ng kanilang pelikula, na idinidirek ni Ruel Bayani.

DREAM PROJECT. Marami mang blessings ang dumating sa kanya, aminado si Dingdong na may gusto pa siyang gawing mga pelikula na hindi pa niya talaga nasubukan.

“Mga biopic, like Ninoy Aquino. Gusto lang, pero it doesn’t mean that I have to.

“Maganda lang kasi na meron kang inspirasyon, e, na hindi naman kailangang parating gawin mo.

“Pero, to keep me going and para gaganahan ka sa pang-araw-araw na gawain mo," saad ng aktor na hinahangaan ng kanyang direktor na si Erik Matti at ng kanyang prodyuser na si Dondon Monteverde.

Sinabi ni Erik sa isang panayam sa YES! Magazine: "I am a fan."

At sinabi naman ni Dondon sa YES! Magazine rin: "Wala akong masabi ke Dingdong. Wala siyang star complex talaga. Ipinakita namin ang gusto naming gawin sa Tiktik.

"Sabi niya kaagad, 'Sali ako riyan!' Dingdong gets excited by ideas. Hindi siya iyong gaya ng ibang artista na mas interesado sa billing, sa role, o sa bayad."

No comments:

Post a Comment