Wednesday, July 25, 2012

Dingdong Dantes Magiging Leading Lady si Angel Locsin sa Isang Pelikula

Bukod sa kanyang sitcom na Toda Max, abala ngayon si Angel Locsin sa pagsu-shooting ng pelikulang One More Try.

Kasama niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na ito ng Star Cinema sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Dingdong Dantes.

Ayon kay Angel, kakaumpisa pa lang nilang mag-shooting.

“Pero mabilis si Direk Ruel Bayani, mabilis siya," banggit niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kuwento pa ni Angel, lahat sa cast ng One More Try ay nakaeksena na niya.

“Actually, medyo konti pa lang. Mas si Zanjoe, kasi pareho kaming taga-Baguio kaya palagi kaming magkasama.

“Si Dingdong, siya ang nakasama ko noong first day.

“Si Angelica nandoon din, pero one scene pa lang siya noon.”

TEAM-UP WITH DINGDONG. Kinumusta ng PEP kay Angel ang pagsasama nila ni Dingdong sa unang pagkakataon bilang magkapareha.

Noong nasa GMA-7 pa si Angel ay may ginawa silang pelikula ni Dingdong, ang Angels (2007), ngunit hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkasama sa set.

Kuwento ni Angel, “May ginawa kami noon, Angels, kaya lang, hindi siya yung naging director ko.”

Ang Angels ay ang trilogy movie na iprinodyus ni Angel. Sa isang episode ay tampok si Angel at sa isang episode naman ay si Dingdong ang direktor.

Patuloy ni Angel, “Pero si Dong, okay siya, sobrang okay.

“Napansin ko sa kanya, hindi obvious, hindi sinasadya, imo-motivate ka niya para do’n sa scene.

“Kunwari, masaya lang, getting to know, kilig-kiligan, uumpisahan ka niya. Kakausapin ka niya.



“Para pagdating ng action, masaya kayo. Hindi yung, ‘Ngingiti ba tayo?’

“Okay siya, maalaga.”

Hindi naman sila nagkaroon ng ilangan?

“Wala…noong una, siyempre, medyo nangangapa ka pa sa ka-partner mo.

“Siyempre, ako rin, balik-pelikula, galing sitcom, so nangangapa rin ako.

“Pero basta kasi ang kaeksena mo, ipinaramdam na okay ako, kahit na anong gawin mo, walang isyu, walang anything, masarap.

“Masarap katrabaho.”

MORE DARING? Mas daring daw ang One More Try sa No Other Woman, ang 2011 film ni Ruel Bayani na pinagbidahan nina Anne Curtis, Derek Ramsay, at Cristine Reyes.

Ano ang masasabi ni Angel dito?

“Hindi ko pa alam kay Direk Ruel, ha, pero feeling ko, pinaka-daring ko yung Unofficially Yours—as in talagang tiwala na lang kay Direk Cathy [Garcia].

“Sinabi ko talaga na, ‘Hindi ako kumportableng gawin, pero sige, Direk, bahala ka na sa editing.’

“With One More Try, hindi ko pa alam. Ayoko pang alamin.

“Kasi sa No Other Woman, di ba? Sabi ko nga kay Direk, ‘Parang huwag mo namang isipin na ako si Anne,’ parang ganoon.

“So, tingnan na lang natin.”

STILL A KAPAMILYA. Pumirma na ulit si Angel bilang isang Kapamilya. Although pag-amin niya, bago sana siya gumawa ng pelikula ay gusto niyang gumawa muna ng teleserye.



Actually, sa totoo lang, bago ako mag-contract signing, gusto ko sanang mag-teleserye muna. Kasi, galing ako sa dalawang pelikula, di ba?"

Ang tinutukoy ni Angel ay ang In The Name of Love (2011) at Unofficially Yours (2012).

Patuloy ng aktres, “Gusto ko munang mag-ipon.

"Nae-enjoy ko ang pelikula, siyempre, kailangan natin yun, di ba?

“But siyempre, bilang breadwinner, gusto ko rin ng income.

“Pero kinausap ako ni Ma’am Malou [Santos] dito.

“Si Direk Ruel kasi, director rin nina Miko at Oyo, 'ginagalang ko rin.

“So, sabi ko, ‘Sige, si Direk Ruel naman.’ Napa-oo tuloy ako!” natatawa niyang sabi.

Ang magpinsang Miko at Oyo Sotto ay parehong naging kasintahan noon ni Angel. Sumakabilang-buhay si Miko noong 2003 nang sila pa ng aktres.

So, wala muna siyang teleserye ngayong taong ito?

“Wala muna siguro kasi ang dinig ko dati, si Derek [Ramsay] sana ang kasama ko, kaso lumipat si Derek [sa TV5].

“Si Sam [Milby] rin sana, kaya lang si Sam, na kay Ate Juday [Judy Ann Santos].

“So, mas better na rin siguro na next year na lang. Ayoko rin na pagsabayin. Ang hirap, e.

“Yung In The Name of Love, Imortal pa yun. Ang hirap!”

No comments:

Post a Comment