Sunday, July 29, 2012

Dominic Rocco Nag complain Bilang Isang GMA artist center Talent

Hindi makapaniwala ang GMA Artist Center talent na si Dominic Roco sa ginawang pagdumog sa kanya ng mga taong nanood sa pinagbibidahan niyang pelikula na Ang Nawawala (What Isn’t There), entry sa New Breed section ng Cinemalaya 2012.

“Nakakagulat! Kasi first time pong nangyari sa akin ito na paglabas ko ng theater hindi ako makalabas.

“Ang daming nagpapa-picture, nagko-congratulate!

“Pero nakakataba ng puso, kasi siyempre nagustuhan nila yung pinaghirapan namin,” sabi ng 23-year-old na si Dominic.

Nasaksihan nga mismo ng Hot Pinoy Showbiz ang pagdumog na ito ng mga tao kay Dominic sa second Gala Night ng Ang Nawawala kagabi, Hulyo 28, sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Main Theater (Tanghalang Nicanor Abelardo) sa Pasay City.

Maski nga ang kakambal ni Dominic na si Felix Roco, na kabilang din sa cast, ay pinagkaguluhan din ng mga tao.

Ano naman ang pakiramdam ni Dominic na maski ang ilang celebrities na nanood at nakausap ng PEP pagkatapos ng screening, gaya nina Iza Calzado at G Tongi, ay nagustuhan ang pelikula nila?

“Siyempre nakakatuwa. Thankful ako sa kanila na nanood sila.

“Ang masasabi ko po, satisfied po ako. and I think the people are satisfied din sa napanood nila.

“Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga nanood. Kahit yung director po namin, si Marie Jamora, hindi po inasahan na magiging ganito yung impact sa mga tao.”

NOT EXPECTING TO WIN. Kasama rin sa cast ng Ang Nawawala sina Dawn Zulueta, Buboy Garovillo, Marc Abaya, Alchris Galura, Mercedes Cabral, Sabrina Mann, at Annicka Dolonius.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho ni Dominic sa cast?

“Actually, I’ve already worked with most of them, except with Ms. Dawn Zulueta.

“Working with Ms. Dawn, kinabahan ako nung una. Pero everything went well.”

Naitanong din ng PEP kay Dominic ang love scene nila ni Annicka sa pelikula. Kumusta naman ang pag-handle niya rito?



Naitanong din ng PEP kay Dominic ang love scene nila ni Annicka sa pelikula. Kumusta naman ang pag-handle niya rito?

“Hindi naman ito yung first love scene na ginawa ko.

“Trabaho lang. Pareho naman kaming professional ni Annicka,” kaswal na sagot ni Dominic.

Ngayong gabi, Hulyo 29, magaganap ang awards night ng Cinemalaya.

Umaasa ba siyang manalo ng Best Actor para sa New Breed section?

“Wala, I’m not expecting anything. I know I did my best, yun lang po,” tugon agad ng aktor.

Ayon kay Dominic, hindi man siya manalo ng award, yung maging bida sa isang Cinemalaya movie ay malaking achievement na para sa kanya.

Naniniwala kasi siyang magandang outlet ang Cinemalaya para maipakita ang talent ng isang artista sa pag-arte.

“Of course, nakakatulong din po ito sa aming mga artista. It’s wonderful, and I like doing indie.”

DIRECTOR’S COMMENT. Nakausap din ng PEP ang direktor ng Ang Nawawala na si Marie Jamora.

Puring-puri niya si Dominic sa ibinigay nitong magandang performance sa pelikula.

“Yung performance ni Dominic, for me, is one of the most honest and beautiful performances of a young actor of his age.

“I’m super proud of him. Everyone should watch him kasi napaka-talented nitong batang ito.”

Ano ang naging basehan niya sa pagpili kay Dominic para sa lead role?

“Siya yung pinakamagaling sa lahat ng nag-audition. There was no other choice.



“It was a clear decision, na siya ang talagang choice namin for the lead role.”

Ano naman ang masasabi ni Dominic dito?

“Siyempre, flattered. Nag-enjoy ako sa paggawa ng pelikulang ito. I’m also proud of Marie as our director. We get along well at lahat naman ay nadaan sa magandang usapan.”

PROUD TO BE KAPUSO. Samantala, gustong linawin ni Dominic ang isyung nagrereklamo raw siya dahil di siya satisfied diumano sa breaks na ibinibigay ng GMA-7.

Under contract hanggang ngayon si Dominic sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso Network.

Sa artikulong lumabas sa PEP nung Hulyo 24, may pahayag si Dominic doon na: “Sa tagal ko po sa GMA, I never felt that they gave me the break.”

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Dominic, “I’ve talked to them about that. Pero hindi naman ako galit. I just talked to them regarding my career. Hindi naman ako nagku-complain.

“Actually, ang GMA Artist Center right now, they’re giving a lot of workshops.

“So, at least ipinapakita nila na they’re interested to hone our talents.”

Sa ngayon, kasama si Dominic sa cast ng primetime teleserye ng GMA-7, ang Makapiling Kang Muli.

Pinagbibidahan ito nina Richard Gutierrez, Carla Abellana, at Sarah Lahbati, sa ilalim ng direksyon ni Ricky Davao.

“Everything’s doing well with Makapiling Kang Muli.

“’Ayun, sina Phillip Salvador [isa ring cast member ng teleserye], masarap silang katrabaho.”

Ngayong nalinaw na ang nakaraan niyang pahayag, sa tingin niya ba’y mananatili siyang Kapuso?

“Of course, proud to be Kapuso—always,” sagot ni Dominic.

No comments:

Post a Comment