Thursday, July 26, 2012

John lapus May pahayag sa Pag wawakas ng Showbiz Central

Sa July 29, Linggo, ang last episode ng showbiz-talk show ng GMA-7 na Showbiz Central.

Last Sunday, July 22, bago magsimula ang airing ng show, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakuwentuhan ang isa sa hosts nito na si John “Sweet” Lapus.

Ano na ang plano niya pagkatapos ng pamamaalam ng Showbiz Central, na tumagal ng limang taon sa ere?

“Wala pa nga, e. Although kinausap na naman ako ng GMA management. They will definitely have something in store for me.

“Although siyempre, mapapanood pa rin naman ako sa Makapiling Kang Muli. Until September pa ‘yan.

“So pakatutukan niyo ‘yan at paganda nang paganda ang istorya at pataas nang pataas din ang rating namin.

“So, nakakatuwa naman.”

Ang Makapiling Kang Muli ang primetime series na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Carla Abellana.

Dagdag ni Sweet, “Siyempre, gusto kong mag-stay bilang Kapuso.

“Pinangakuan naman nila ako. So, bibigyan ko na lang kayo ng update after Showbiz Central kung ano ang mangyayari.”

Pero kung siya ang tatanungin, anong klaseng programa ang gugustuhin niyang sunod na gawin?

“Kahit ano.

“Well, maraming fans ang nagre-request, sana tsismis show pa rin, di ba?

“But then, siyempre kung ano ang ibibigay ng management sa akin, iyon naman ang tatanggapin natin.

“E, I’m sure naman, they would think of something na babagay talaga sa akin.



Aminado si Sweet na mami-miss niya ang paghu-host ng isang showbiz-oriented talk show dahil ilang taon din niyang ginawa ito.

“Oo! Sa showbiz talk show naman talaga ako nagsimula.

“Magtu-twenty years na ako sa showbiz. At sa twenty years na ‘yon, nagtrabaho ako sa simula bilang staff, then eventually bilang co-host and the as a host.

“So, malapit sa puso ko talaga ang showbiz-oriented talk show.”

Nagsimula si Sweet sa defunct showbiz talk shows ng ABS-CBN na Showbiz Lingo at Cristy Perminute. Nang lumipat siya sa GMA-7 ay isinabak siya agad sa S-Files, na pinalitan ng Showbiz Central.

LOYALTY ISSUE. Ang H.O.T. TV ang papalit sa Showbiz Central, kung saan na-retain as hosts sina Richard Gutierrez at Jennylyn Mercado. Makakasama ng dalawa rito sina Regine Velasquez-Alcasid at Roderick Paulate.

May lumabas na intriga kung bakit hindi na-retain si John at maging si Pia Guanio bilang hosts ng kapalit na show ng Showbiz Central.

Base sa naging usap-usapan, hindi raw kasi gusto ng staff si Pia. Si Sweet naman, nakukuwestiyon umano ang loyalty sa GMA-7 dahil sa paglabas nito sa ibang network.

Pero paglilinaw ni Sweet, “Walang ganun. Kasi tinanong ko sila, hindi naman totoo.

“Mali yung ganung napabalita.

“Naiintindihan ng GMA kapag nagge-guest ako sa TV5 or minsan sa ABS [-CBN].

“E, it’s just a guesting. Ang loyalty ko pa rin ay nasa GMA.”

So hindi rin totoo na nagpaplano siyang lumipat sa ibang network?

“Wala. Kung bibigyan naman ako ng trabaho rito, bakit pa ako lilipat? Loyal akong tao.”

Pero paano kung, halimbawa, magkaroon ng magandang offer sa kanya ang ibang istasyon?



“A… I’ll cross the bridge when I get there,” nangiting sagot na lang ni John.

“So far, nagsabi naman ako… I’m not going anywhere. I’d love to stay as a Kapuso.”

Naiintriga man at nakukuwesiyon ang loyalty niya sa GMA-7, tuloy pa rin daw ang pagge-guest ni John sa programa ng ibang network, gaya ng sa Talentadong Pinoy ng TV5.

“Oo naman! Bilang nagbabayad tayo ng bahay at may mga pamangkin tayong pinapag-aral.

“Pero ngayon, medyo nale-lessen. Kasi nga, M-W-F ang taping namin ng Makapiling Kang Muli.

“So, minsan depende ‘yan sa schedule, e.

“Like there was a time, tatlo ‘yong shows ko sa GMA—may Show Me Da Manny, may soap, tapos may Showbiz Central pa.

“Talagang… hindi naman ako makikita kahit saan. Wala ring time para makapag-guest sa ibang network.

“Tapos at the same time, gumagawa din ako ng pelikula.

“Ngayon, by next month, magsisimula na kami ng Si Agimat, Si Enteng, And Me.”



SWEET AT THE MOVIES. Ang nabanggit na pelikula, na entry sa Metro Manila Film Festival 2012, ay pinagbibidahan nina Senator Bong Revilla, Vic Sotto, at Judy Ann Santos.

Ano ang role niya sa pelikula?

“Sa side ako ni Juday. Mga environmentalist kami sa story ng pelikula.

“Hindi pa kami nag-i-story conference. But so far, iyon ang alam ko—isa ako sa mga friends ni Juday sa side niya.

“And meron din ako ngayong special appearance sa Posas na isa sa mga Cinemalaya entries, directed by Lawrence Fajardo and produced by Quantum Films.

“Ang bida rito ay si Nico Antonio na nakasama ko na rin in the past. Napakagaling na aktor.



“Malaki ang utang na loob ko kay Atty. Joji [Alonso] ng Quantum Films dahil siya ang nag-produce ng Here Comes The Bride, kung saan nanalo akong Best Comedy Actor sa Golden Screen Awards at sa Guillermo Mendoza Scholarship Foundation Awards.

“So when she asked me to have a special appearance sa launching movie ng anak niyang si Nico Antonio, hindi na ako nagdalawang-isip.”

GOODBYE, SHOWBIZ CENTRAL. Balik sa pamamaalam na sa ere ng Showbiz Central ang usapan. Maging emotional kaya siya sa huling episode ng show sa Linggo, July 29?

“Sana hindi, bilang prepared na naman ako. Almost a month ko na rin namang alam. Almost a month na rin kaming kinausap.

“So, medyo tapos na rin akong mag-emote,” sabay ngiti ni John.

Dagdag niya, “Naniniwala naman ako na some good things never last.

“Kaya lang siyempre, you know, kapag mawawala yung bagay na maganda na nag-e-enjoy kang gawin, malulungkot at malulungkot ka pa rin.

“Siyempre, five years ang Showbiz Central. And prior to Showbiz Central, nag-six months din ako sa S-Files.

“So I’ve been working for almost six years every Sunday afternoon.

“And Sunday is the only day na kahit puyat ako the night before, nagigising ako nang maaga. Parang nasa sistema ko na.

“Kaya sana mabago ko yung sistema ko na every Sunday, gumigising ako nang maaga to prepare for Showbiz Central.

“And sana rin suportahan nila yung papalit, yung H.O.T. TV., dahil I heard it’s really very informative and something new.

“So… might as well support it.

“At yung mga fans ko naman, abangan nila… definitely and hopefully, dito pa rin sa GMA kung anuman yung show na ibibigay sa akin ng management.

“Masaya naman ako dito. Marami na akong naipundar na kaibigan on- and off-camera, at saka mga artista.



“Maano ako, e… madali akong atakihin ng separation anxiety.

“So, hindi ako basta-basta umaalis ng isang lugar na kumportable naman ako at naniniwala sila sa akin.

“Kaya I don’t see any reason kung bakit kailangan kong umalis,” panghuling pahayag ni John.

No comments:

Post a Comment