Naiiyak pa rin si Judy Ann Santos nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media people sa special screening at press preview ng kanyang kauna-unahang Cinemalaya movie, ang Mga Mumunting Lihim (Those Little Secrets), sa direksyon ni Jose Javier Reyes.
Bukod kina Juday at Direk Joey, nanduon din sa naturang event na ginanap kahapon, July 14, sa My Cinema sa Greenbelt Makati, ang iba pang cast na sina Janice de Belen at Agot Isidro.
Hindi naman nakapunta si Iza Calzado dahil nasa abroad ito para sa isang magazine pictorial. Dumalo rin para magbigay ng suporta ang asawa ni Juday na si Ryan Agoncillo at ang manager nitong si Noel Ferrer gayundin ang mag-amang Orly at Kat Ilacad ng OctoArts Films.
Ayon kay Juday, ito raw ang unang pagkakataon na mapanood niya nang buo ang pelikula nila at hindi nga niya naiwasang madala at maiyak sa istorya.
“Ako, actually, ngayon ko lang napanood yung buong film. Nagulat din ako na ganito yung kinalabasan. Sabi ko nga, ‘Ah, ibang-iba talaga siya no.’
"Pero sa totoo lang, bago pa ako makarating dito, kinakabahan ako, nate-tense ako. Hindi ko alam kung ano ang mae-expect ko.
"But I’m more than happy to be able to do this film with Direk Joey kasi alam ko kung gaano kalapit sa puso niya ito.
"Kaya sabi ko, alam kong bobonggahan ni Direk Joey ito kasi gustung-gusto niya talagang gawin ang pelikulang ito na inspired ng istorya nilang magkakaibigan. With Direk Joey naman behind me nothing can go wrong e.”
Magkakaroon ng gala premiere ang Mga Mumunting Lihim sa July 25, 9 p.m. sa CCP Main Theater bilang bahagi ng Directors’ Showcase ng Cinemalaya 2012.
THIRD INDIE MOVIE. Pangatlong indie film na raw ni Juday ang Mga Mumunting Lihim.
“Actually, third ko na ito. Yung una is Miss Pinoy (2005) na matagal na matagal na yun na hindi na masyadong maalala.
"I considered it an indie film pero yung time na yun kasi yung nagsisimula pa lang yung pagpapalabas ng mga independent films.
"Kasama ko doon si Beth [Tamayo]. Pero it’s an indie film for the OFWs and it was shown in Hong Kong at that time.
"Pangalawa is Ploning and then itong Mga Mumunting Lihim.”
Noong nagsisimula pa lang kasi silang mag-shooting ng nasabing indie, hindi pa lubos na maipaliwanag ni Juday kung anong klase siyang kontrabida sa pelikula. At pag napanood nga ito ng mga tao ay saka nila maiintindihan ang character ni Juday.
“Dito namin siya inilabas paunti-unti yung pagiging kontrabida. Doon ako na-challenge kung paano ilalabas sa istorya yun ngang pagiging kontrabida.
"And I’m glad na maayos ko itong nagawa, of course because of Direk Joey at sa iba pang kasama ko sa movie.”
Dahil sa liit ng budget na ibinibigay para sa Cinemalaya entries, hindi raw naging problema kay Juday gayundin kina Janice, Agot at Iza kung hindi man sila tumanggap ng talent fee para sa pelikula.
Sabi nga ni Juday, “May talent fee man o wala, basta sobra kong happy na nakagawa ako ng Cinemalaya film with Direk Joey and isang pelikulang malapit sa puso niya.”
AWARD-WINNING PERFORMANCE. Pagkatapos ng screening marami ang nagpaabot ng papuri kay Juday dahil sa kanyang galing sa pelikulang ito. May mga nagsabi pa nga na isa na naman itong award-winning performance para sa kanya.
Nakakaramdam ba siya ng pressure na manalo nga ng Best Actress sa Cinemalaya 2012 awards night dahil sa mga ganitong komento at papuri?
“Alam mo, wala. Knowing Cinemalaya, marami diyan, ang dami-dami [magagaling]. Pero the mere fact na nasabihan ka ng ang ganda ng ginawa mong trabaho sa Cinemalaya entry mo, okay na ako doon, bongga na.
"Kasi ang tindi ng mga makakalaban ko kung saka-sakali. Masaya na ako na natuwa kayo, na na-touch kayo.
"Ako nga hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. So, happy na ako doon na mapansin yung trabaho naming apat na magkakaibigan dito sa pelikula.”
OTHER PROJECTS. Bukod sa Mga Mumunting Lihim, magiging busy na rin si Juday sa iba pa niyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula.
“Ngayon nagsimula na akong magtrabaho ulit for the soap [Against All Odds ng ABS-CBN]. Tapos, I’ll be doing the Si Agimat, Si Enteng movie with Bossing Vic [Sotto] and Senator Bong Revilla.
"Tapos gagawin ko rin yung MasterChef for ABS. So, yun palang this year.
"Kasi pa-last quarter na rin naman ng taon so, sabi ko kalma lang. Mahaba pa naman ang panahon, so sabi ko, ‘Juday kalma lang.’"
Ang Si Agimat, Si Enteng and Me ay official entry ng OctoArts/M-Zet/Imus/APT/GMA Films sa 2012 Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

No comments:
Post a Comment