Tuesday, July 31, 2012

Katrina Halili nagpaka-antipatika na

Kinukulit ako ng fans, sino ba raw ang malditang aktres na nang-isnab sa kaibigan ko? Madali akong kausap kaya sasabihin ko na ang name niya at siya eh walang iba kundi si Katrina Halili.

Naloka ang aking friend na si Pinky Tobiano nang magkasama sila ni Katrina sa isang okasyon noong Sabado. Naging antipatika sa kanya si Katrina, lalo na nang sabihin niya na close kami.

Wala akong problema kay Katrina pero mukhang siya ang may problema sa akin. Hindi ko nagustuhan ang ugali na ipinakita niya sa kaibigan ko. Nalimutan yata ni Katrina na siya ang ipinagtanggol at kinampihan ko nang kumalat noon ang sex video nila ni Hayden Kho, Jr.

Naimbiyerna lang ako sa kanya nang idamay niya sa isyu si Dr. Vicki Belo. May agreement kami ni Katrina na huwag nitong isangkot si Mama Vicki dahil wala naman talaga itong kinalaman sa pagkalat ng sex video.

Binigyan ko pa siya ng raket sa kampanya ng isang pulitiko na kumandidato noon. Malaki ang ibinayad kay Katrina at hindi ako humingi ng komisyon dahil alam ko na nangangailangan siya ng datung. Kung tutuusin, luging-lugi ang pulitiko dahil hindi niya nagamit si Katrina sa pangangampanya.

Ayoko na sanang ungkatin ang nakaraan pero kailangang ipaalala ito kay Katrina para tumigil siya sa pagmamaldita sa mga kaibigan ko. Well, it’s her loss dahil hindi niya binigyan ng pagkakataon ang sarili na makilala si Pinky. Ganyan ang nangyayari sa mga tao na nagsusuplada sa kapwa. Sila ang nawawalan ng biyaya at opportunity na magkaroon ng mga bago at mabubuting kaibigan.

No comments:

Post a Comment