Patuloy na maganda ang feedback sa primetime series ng GMA-7 na One True Love, na pinagbibidahan nina Louise delos Reyes at Alden Richards. Habang tumatagal, mas lalong tumitindi ang kilig na hatid sa viewers ng tambalan nila.
“Siyempre po sobrang happy ako,” pahayag ni Louise nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, July 8.
“Nakakatuwa na sinusuportahan talaga kami ni Alden ng mga tao. Nagiging inspirasyon namin sila actually sa set, na nakikilala kami ng mga tao bilang Elize at Tisoy. Nakakataba ng puso.”
Puring-puri rin sina Louise at Alden ng co-stars nila sa One True Love na Jean Garcia, Raymond Bagatsing, at Agot Isidro. Bilib daw ang mga ito na kahit baguhan pa lang ang dalawa ay pareho raw magaling nang umarte.
Dahil dito, hindi maiwasang makaramdam ng pressure ang magkapareha.
Ayon kay Louise, “Oo, siyempre. Extra pressure ‘yon sa amin [ni Alden]. Kumbaga, kung kailangan naming mag-rehearse sa isang eksena ng one hundred times.
“Kasi ayaw naming parang bumaba ‘yong expectation nila sa amin bilang artista siyempre, dahil mga beteranong aktor at aktres na sila, e. Kailangan professional kami lagi pagdating sa trabaho. Ayaw namin silang paghintayin sa set.
“At sa mga eksena, ayaw naming mag-take two o take three pa kami. Ginagawa talaga namin ni Alden ‘yong best namin kahit sa mga simpleng eksena lang. And… si Alden kasi, bilang kami ang laging magkaeksena, siyempre ‘yong bonding namin, napapasaya namin ‘yong isa’t isa.
“’Tapos, sobrang ano kasi… si Alden ‘yong masasabi ko na best friend ko talaga dahil lahat napapag-usapan namin. Kapag magkasama kami, walang boring na oras.”
For real?
Ang dating ng magandang chemistry nila, parang hindi lang sila bagay as screen partners lang kundi perfect match din sila para sa isa’t isa sa totoong buhay din.
Ang dating ng magandang chemistry nila, parang hindi lang sila bagay as screen partners lang kundi perfect match din sila para sa isa’t isa sa totoong buhay din.
Bahagyang natawa si Louise bago nakapagbigay ng reaksiyon.
“Siguro dahil sobrang kumportable na nga namin sa isa’t-isa. Na up to the point na naibibigay namin on-cam ‘yong hinihiling nilang kilig. And siyempre, hindi naman imposible na dumating sa gano’ng point,” na magkagustuhan sila for real ang ibig niyang sabihin.
“Pero as of now,” patuloy ni Louise, “mas focus namin talaga ‘yong trabaho namin sa One True Love—na mapaganda at mapagbuti pa namin.”
Kahit may Enzo Pineda nang nali-link sa kanya, talagang bukas ang posibilidad na maging sila ni Alden?
“Hindi kasi… hindi naman ako committed kahit kanino ngayon. Sina Alden at Enzo sa buhay ko, hindi sila mapapag-compare. Kasi, magkaiba ‘yong level ng friendship namin. Kaya… ayun! Ewan ko. Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari.”
What's stopping her?
Pero bakit kaya ang impresyon ng marami ay may relasyon na sila ni Enzo?
Pero bakit kaya ang impresyon ng marami ay may relasyon na sila ni Enzo?
“Siguro dahil nakikitang mas pursigido siyang manligaw sa akin,” sagot ni Louise.
Ano ang nakakapigil para sagutin na niya ito?
Sagot ni Louise, “Siyempre kailangan munang mag-focus sa work. Trabaho talaga muna.
“Kasi ang hirap maging committed sa isang bagay na hindi mo sure kung kaya mong ipaglaban talaga hanggang sa huli. Or… kung kaya mong ibigay ‘yong buong atensiyon mo para sa kanya.”
Ano ba ang ultimate na hinihintay niyang mangyari sa career niya para masabi niyang ready na siyang magka-boyfriend o makipagrelasyon?
“Kapag nakita kong sobrang steady na ng lahat. Kasi ngayon, siyempre ang daming bago na dumarating na artista.
"At hindi mo masasabi kung bukas o sa makalawa, may iba nang artista na kukuha ng lugar mo kung nasaan ka ngayon. So ako, extra ingat," sabi ni Louise.
Professional jealousy
Isa si Louise sa mga Kapuso young actresses na bini-buildup nang husto at nabibigyan ng big break ngayon ng GMA-7. Paano kaya kung makaramdam ng professional jealousy o ma-insecure sa kanya ang iba?
Isa si Louise sa mga Kapuso young actresses na bini-buildup nang husto at nabibigyan ng big break ngayon ng GMA-7. Paano kaya kung makaramdam ng professional jealousy o ma-insecure sa kanya ang iba?
“Ako naman, siguro nakikita ko siya sa aspect na… mas matanda ako sa kanila kaya nakukuha ko ‘yong mga ganitong roles. Dahil feeling ko, hindi angkop sa edad nila ‘yong mga ganitong role o project na napupunta ngayon sa akin.
“And privileged ako na nandito na ako sa stage na puwede nang mag-lead. May kanya-kanya naman kaming projects at happy ako na napupunta kami sa iba-ibang fields dito sa industriya.”
‘Yong ibang young actresses, mula sa image na wholesome, dumarating sa point na naeengganyo o nakukumbinsing mag-pose nang sexy bilang cover girl ng isang men’s magazine.
Open ba siya rito? Paano kung magkaroon ng gano’ng offer sa kanya?
“Ako, open ako sa mga ganyang idea. Pero sa tingin ko, hindi pa dapat. Hindi ko pa kakayanin sa ngayon ‘yong mga gano’n. And wala sa listahan ko ‘yon, e. Wala sa bucket list ko ‘yon bilang artista—ang mag-cover sa isang men’s magazine talaga. I’m sorry.
“Pero tingnan natin. Siyempre depende din ‘yon sa layout. Depende sa theme na gagawin nila para sa akin. ‘Yon! Iyon ang nagma-matter sa akin.
No comments:
Post a Comment