Sa naging panayam ng Hot Pinoy Showbiz sa Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas, ibinahagi niya ang rason kung bakit siya nagbakasyon sa US. “Kaya ako nasa America kasi yung dalawa kong anak dun na muna. Si Sophia dun mag-aaral, si Niccolo papasok sa Airforce.”
Isang proud na ina ang nagkukwento sa amin ng mga kaganapan sa buhay ng kanyang mga anak sa America. Wala naman daw siyang naging pagtutol sa paglagi ng mga ito sa abroad kasama ng kanilang ama na si Miguel Vera. “Hindi kasi gusto ko meron silang option kapag naging US citizen na sila. May option sila kasi uso naman ang dual citizenship. Meron silang option kung gusto nila dito o gusto nila dun at least meron silang fallback.”
Makikita sa mukha ng Comedy Queen na masaya siya sa kung ano ang estado ngayon ng kanyang mga anak. Inamin niyang matagal na rin nila itong pinagdiskusyunan at pinag-isipan. “Oo dati pa, 3 months ago dinesisyunan ko na ito. Naiwan na sila doon ‘di ko na ipinaalam sa publiko. Emosyonal hanggang ngayon lalo na yung bunso kasi only girl ko yun at sanay siya dito. Ang sabi ko sa kanya ok lang yan magiging maganda din yan for you magiging independent ka and alam ko magiging maganda future nila in case maging citizen sila.” Panatag din ang loob ni Ai-Ai dahil kahit nandito siya sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang trabaho, kasama naman nila ang kanilang ama, na tiyak ay di naman pababayaan si Niccolo at Sophia.
Binahagi din ni Ai-Ai ang rason kung bakit hindi nakasama si Sancho, ang panganay niyang anak, na manirahan sa America, “Hindi na siya umabot e, 21 na e, over-aged na eh so yung dalawa lang yung umabot si Niccolo 18, si Sophia 16. Immigrant kasi si Miguel e so noon pa 2005 pinetition sila e loka-loka ako di ko sila pinayagan so ngayon na lang ulit.”
Sa kanyang naging final decision sa pagpetisyon ni Miguel sa kanyang mga anak, isang nakakatutuwang statement ang binitiwan ni Ai-Ai, “Bago ako umayos, ang tagal kong mag-isip. Parang sige na nga buti humabol pa yung dalawa eh,” natatawang sambit ng aktres.

No comments:
Post a Comment