Magkasama bilang talents ng Mercator Artist & Model Management sina Mikael Daez at Daniel Matsunaga.
Kamakailan lamang ay umalis na sa GMA si Daniel at nasa TV5 na ngayon.
SEPARATE WAYS. At bilang co-talent at kaibigan, ano ang naging reaksyon ni Mikael nang nalaman nitong umalis si Daniel sa Kapuso network?
“Happy naman ako para kay Daniel na lumipat siya sa TV5 kasi may kontrata na siya at lahat.
“Hindi naman sa nagulat ako dahil alam ko naman na normal na lumilipat ang mga artista,” umpisang sinabi ni Mikael sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“Siyempre, kapag may magandang opportunity, maaaring tanggapin nila yun.
“Hanapbuhay rin nila ang pagiging artista kaya kailangang pag-isipan ang mga bagay na ganyan.”
Ikinalungkot ba niya na hindi na makakatrabaho si Daniel ngayong nasa magkaibang TV stations na sila?
COMPETING NETWORKS. Nakakontrata sa GMA si Mikael sa ngayon.
“Lagi ko pa rin namang makikita ang mga kaibigan ko sa Mercator, sa events at mga functions.
“Kaya siguradong magkikita pa rin kami kaya walang problema yun.”
Balitang in-demand ngayon si Daniel sa TV5 at maraming projects tulad ng Enchanted Garden, Third Eye, at Game ‘N’ Go. Nakakaramdam ba si Mikael ng inggit?
“At the end of the day, masaya ako kung magiging successful ang mga kaibigan ko,” ang simpleng sagot ni Mikael.
GMA PROJECTS. Anu-ano ba ang mga projects ni Mikael for the Kapuso network?
“Sa GMA, hindi ko pa masabi nang sigurado pero may mga sinasabi rin sa akin ang mga tao na may teleserye project coming soon.
“Yung Conyo Problems na movie ay mukhang matutuloy na rin.
“Tapos sana maka-guest host ako or segment host sa isa sa mga shows.
“Mukhang marami namang nangyayari, konting pasensiya lang sa mga bagay-bagay.
“Puro workshops naman ang ganap ko ngayon,” bunyag ni Mikael.
Pagdating naman sa ka-loveteam, sino ang kanyang napupusuan?
“Sino ba ang tingin ninyong puwedeng i-pair up sa akin?” ang natatawang tanong ni Mikael. “Sino kaya ang bagay… hmmm…
“Gusto ko maganda, mabait, at hardworking!”
Marami ang nagsasabing bagay si Mikael at Sarah Lahbati, lalo na noong nag-guest si Sarah sa Amaya na si Mikael ang kaeksena.
Disappointed at nanghihinayang ba si Mikael na naudlot ang team-up nila ni Sarah na ipinareha sa Makapiling Kang Muli kay Richard Gutierrez?
“Hindi naman. Happy ako for Sarah dahil mukhang maganda ang feedback sa loveteam nila.
“Sa tamang panahon, tingin ko makakatrabaho ko rin si Sarah… timing lang siguro.”

No comments:
Post a Comment