Isang madamdaming birthday episode finale ang naganap sa month-long birthday celebration sa Sarah G Live ang nangyari noong Sunday, July 29. Naging guest kasi dito ang mga magulang ni Sarah na sina Daddy Delfin at Mommy Divine. Dito ay tinalakay ang mga isyung ibinabato sa ina ni Sarah na diumano’y pinagbawalan nang manligaw si Gerald sa Pop Star Princess.
Naging guest star ni Sarah si AiAi delas Alas na nakatrabaho ng actress-host noon, na siya ring nagtanong sa mga magulang ni Sarah sa interview portion.
Sinagot ni Mommy Divine kung ano ang klase ng gusto niyang lalaki para sa kanyang anak. “Alam ni Sarah ‘to, lagi naming pinag-uusapan. Pinagpi-pray lang namin at saka gusto lang namin (kung ano ang best para sa kanya), pero kung ano ang gusto niya ‘yun pa rin. Pero sa amin lang pinagpi-pray namin na makakatagpo siya ng lalaki na masasandalan niya for life, ang tutulong sa kanya intellectually, spiritually at sana ‘yung habang-buhay talagang di siya iiwan,” mahabang paliwanag ni Mommy Divine.
“Simple lang, ang makakapagtiyaga at matatanggap kung ano ang mga gusto namin at di lolokohin ang anak ko. ‘Yun ang importante do’n. Ayoko ng iiyak pa ang anak ko,” sabi naman ni Daddy Delfin.
Sinagot din ni Sarah ang tanong kung sino ang nagpapatibok sa kanyang puso at malinaw na ang tinutukoy niya rito ay si Gerald. “Kung sino man siya siguro kailangan ng panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang itinitibok ng puso ko, o totoo ang itinitibok ng puso niya. Sabi niya time will tell (if we will end up together or not), hindi ang gusto ko, kundi ang gusto ng Diyos para sa akin.”
Isiningit pa ni Mommy Divine na mararamdaman niya kung sino ang ibibigay ng Lord para kay Sarah dahil isa siyang ina.
Nang sundutin ni AiAi ng tanong si Mommy Divine kung naibigay na ba ni Lord ang tamang lalaki para kay Sarah, sagot niya, “Hindi pa, wala pa. Alam ni Sarah ‘yon.”
Sinagot din ni Mommy Divine ang isyung maingay ngayon na sinabihan raw umano niya si Gerald na itigil na ang panliligaw kay Sarah. “Actually kami nga ni daddy ang nagbigay ng permiso na ligawan niya sa bahay (si Sarah). Kinausap talaga namin siya nang pormal. Sabi ko sa bahay lang pwedeng ligawan ang anak ko, hindi sa labas, hindi sa text. Sabi ko, ‘Kung mapagpapasensyahan mo ang patakaran namin… ganito kami and nirerespeto namin kayo, sana respetuhin mo rin kami kasi babae ang anak ko.’ Ewan ko kung dapat sabihin pero hindi yata ano. Parang hindi niya mapagtyagaan ‘yung ganon…”
Halatang sinubukan ni Sarah na pigilan pa na magsalita pa ang ina at siya na ang sumagot nang direkta sa tanong. “Sa totoo po talaga hindi po ang mommy ko ang nagpatigil kay Gerald na manligaw talaga. Wala hindi po talaga.”
Naging madamdamin din ang mensahe ni Mommy Divine kay Sarah bago kinanta ni Sarah ang kanyang final song. “Natatandaan mo ang pinag-usapan natin sa CR?” simula ni Mommy Divine. “’Mommy, sorry’ sabi mo sa akin. Sabi ko, ‘Nak kahit ano’ng mangyari, magtampo man kayo, magalit minsan sa akin pero magiging firm ako sa stand ko. Kahit ano’ng tama para sa inyo lagi kong ilalaban para maprotektahan kayo, para hindi di kayo mapahanak at mabigyan kayo ng magandang kinabukasan. Maipagmalaki kahit sino, kahit saan kayo magpunta. Sino man ang masuwete para sa ‘yo, maging masuwerte sa ‘yo dahil pinag-ingatan ka namin, di ba?’”
Sinagot naman ito ni Sarah at ipinahayag ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga magulang. “Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil buo tayo, Mommy at nandyan kayo para magabayan ako. Bumangon ako pag nagkakamali ako, minamahal ako kahit nagkakamali ako at patawad po dahil di po ako perpekto pong anak. Pero gagawin ko ang makakaya para patuloy kayong mahalin at sundin sa mga aral na binibigay (ninyo) sa akin dahil alam ko po na kayo ang nakakaalam ng makakabuti sa akin, so mahal na mahal ko po kayo.”
Naging makahulugan naman ang isinagot ni Sarah nang sabihan siya ng kanyang nanay na darating din ang tamang lalaking mamahalin niya.
“Darating din ‘yon, anak. Wag kang mag-aalala,” ani Mommy Divine sa anak.
Sagot naman ni Sarah, “Di naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang.” Pagkatapos ay niyakap ni Sarah ang ina at naiyak.

Sana nga meron pang lalaking maglalakas loob na manligaw kay Sarah, pagkatapos ipakita kagabi kung anong klaseng magulang meron sya at kung anong klaseng utak meron si Sarah. Wala syang paninindigan sa sarili. Na brainwash na sya ng parents nya, making herself believe that they are supportive & love her. If that is true, they should allow her to take risks & if she fails, assure her that life will go on & mistakes make a person become stronger. Hindi yung iniiwas sa sakit, wala pa man din nangyayari. Sila nga (her parents) ang cause kung bakit umiyak ang anak nila.
ReplyDeleteNo guts, no glory, ika nga. If Sarah won't have the guts & determination to earn her freedom, she will forever be a prisoner of her so called "loving" family. Puro takot ang umiiral sa utak nya. Hindi sya mag ma-mature kung lagi nalang iniiwas sya sa pain & suffering. Pray sila ng pray but they don't TRUST IN THE LORD. They don't let things happen as they are.
Buti pa si Kim Chiu, kahit walang magulang, dahil sa sheer guts & determination, naitaguyod nya ang mga kapatid nya at mga ambition nya. Kahit nakaranas sya ng hirap at heartbreak, bumangon syang mag isa, na walang magulang & she came out stronger. Hindi naman napariwara si Kim. Walang panama si Sarah kay Kim.
Sorry, pero ayaw ko na kay Sarah. Hindi sya ang tipong ideal girl for Gerald or any man, kasi, she cannot even empower herself. She craves for freedom, pero, hindi nya alam na lahat tayo meron nun, but, she just has to claim it! Matalino ba sya or nabu-buang-buangan?
Ang parents ni Sarah mas daig pa si HITLER at MAO TSE TUNG mangbilog ng utak ng anak nila. Na branwash ng husto si Sarah. Ano kaya ang gagawin ni Sarah kung mawalan sya ng magulang? Siguradong guguho ang mundo nya!
She needs to stand up & decide for herself. Hindi sa lahat ng oras nandyan ang pamilya nya. Meron ngang mga tao na sa isang idlap, nauulila nalang sa magulang. Wag naman sana mangyari yon sa kanya, pero, it's frigthening to think that she has no backbone. It's always her parents' stand that prevails. Her individualism is lost.
Sino si Sarah? Ano si Sarah? Wala lang. . . isang anak na sunud-sunuran lang sa magulang, kahit na nasasaktan na ang damdamin. Matiising anak na walang sariling voice. Hindi marunong makipaglaban sa buhay. Talented nga sya pero, hindi well rounded ang personality/character nya. She's the bread winner in her family but she is POWERLESS! And, that's her stupid choice!