Umaani ng papuri ngayon si Paulo Avelino sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Nathan sa teleseryeng Walang Hanggan. Very challenging ang karakter ni Paulo dahil may pagka-dark ito pero nagagampanan niya ito nang mahusay as proven by the positive reviews sa kanyang portrayal. Unti-unti na ring nakakamtan ni Paulo ang kanyang pangarap na maging mahusay na aktor.
Gayunpaman, kasabay ng patuloy na pagsikat ni Paulo ay ang pagkakaroon ng intriga sa kanya. Recently ay pumutok ang isyung tinanggihan umano niya na maging leading man ni Eugene Domingo para sa stage play na Bona, ang pelikulang pinagbidahan noon nina Nora Aunor at Phillip Salvador. Gagampaman dapat ni Paulo ang dating role ni Phillip subalit hindi ito natuloy at napunta ngayon kay Edgar Allan Guzman. May lumabas pa ngang isyu na tumanggi umano si Paulo dahil hindi raw napagbigyan ang gusto niyang mas malaki ang pangalan niya sa pangalan ni Eugene sa billing.
Sa victory party ng Walang Hanggan ay kinunan ng panig ang aktor hinggil sa isyu. Dito ay inilahad ni Paulo ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya tinanggap ang role. “Hindi po kasi talaga kaya ng schedule ko,” simula niya. “Kumbaga sino po ba naman ang tatanggi kay Eugene Domingo na makakasama mo sa play? Ako, never ko tatanggihan.
“’Yung main reason lang po ‘yung pagpasok ng schedule. If ever man magawa ko siya, ‘yun siguro ‘yung literal na walang tulog. Hindi po ako kasi nagpa-function nang mabuti pag ganon,” pagpapatuloy ni Paulo.
Hindi rin daw totoo ang akusasyon na hiniling niyang mas malagi dapat ang pangalan niya kay Eugene. “Hindi ko naman siguro lalakihan ang pangalan ko kaysa kay Eugene Domingo. Basically ‘yun lang talaga ang problem, conflict of schedule.” Bukod sa four-times-a-week na taping for Walang Hanggan, gagawin na rin daw kasi ni Paulo ang susunod niyang pelikula. Paniniyak niya, isa si Eugene sa mga gusto niyang makatrabaho sa showbiz.
Sinisikap din daw niya na huwag maapektuhan ng nasabing isyu dahil alam naman niya sa sarili kung ano ang totoo. “It doesn’t bother me dahil una sa lahat, alam ko hindi totoo, eh. Hindi ko rin alam kung kanino nanggagaling.” Nabanggit daw sa kanya ang tungkol sa nasabing isyu pero hindi raw niya inakala na magiging malaki ito.
Samantala, nagpapasalamat naman si Paulo sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa Walang Hanggan na umaarangkada sa ratings ngayon. Sinabi pa niya na marami pa raw ang dapat abangan sa kanilang teleseryeng mapapanood sa primetime bida ng ABS-CBN.

No comments:
Post a Comment