Noong Biyernes, July 20, ang 27th birthday ni Solenn Heussaff.
Ngunit pinili niyang hindi na magkaroon pa ng party kundi isang simpleng selebrasyon na lang.
“Dinner lang with friends and family,” aniya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas last Sunday, July 22.
“Hindi ako exciting. Boring ang mga sagot ko!” sabay tawa niya.
SIMPLE WISH? Mayroon ba siyang birthday wish?
“Maging fluent akong mag-Tagalog!” tawa niya ulit matapos sabihin ang kanyang wish.
“For two years since nag-start ako sa showbiz, akala ko magiging fluent na ako, pero hindi pa rin. Long way to go.
"But at least I’m learning.”
Anong special birthday gift ang natanggap niya?
“Just flowers lang. Simple lang.
“Kasi, when you get older, parang you don’t really… parang hindi na ganun kaimportante yung gifts. Ganyan.”
Bakit, ilang taon na ba siya?
“I’m 27, pero mukha ako 20!” hagikhik ni Solenn.
INSPIRED TO WORK. Masaya raw si Solenn sa nagiging takbo ng career niya ngayon kaya mas nai-inspire siyang magtrabaho.
“I’m shooting a movie now with Jose [Manalo] and Wally [Bayola]. And masaya talaga to work with them. As in super funny sila.
“Tapos, hindi ako sanay na… kasi sa mga script, you learn it by heart.
“Pero with Jose and Wally, minsan parang adlib yung lahat, e. Na okay, you just say this. Gano’n.
“Puro Tagalog yung lines ko. Tapos marami ring beki [bading] words. As in, sobrang funny talaga.”
JOSE MANALO. Si Jose ang kanyang katambal sa pelikula, at natawa si Solenn nang tanungin kung may kissing scene sila.
“Abangan niyo!” sabay pakawala ng malutong na halakhak.
Okay lang ba sa kanya na magkaroon ng kissing scene with Jose?
“Okey lang. That’s acting. Acting lang ‘yon, di ba?
“Tapos may isa pa akong movie na ginagawa for MMFF [Metro Manila Film Festival].
"And then there’s one more. Hindi pa sure yet. Pero baka September mag-start na kami ng shooting.
"So, tatlong movie ako for this year!” Apat na pelikula marahil ang nais niyang tukuyin kung isasama ang Boy Pick-Up na pinagbidahan ni Ogie Alcasid.
“Tapos, next year, sabi ng manager ko [Leo Dominguez], marami akong projects, pero hindi ko pa alam kung ano.”
PROUD DABARKADS! Bukod sa pagsu-shooting ng pelikula, every day siyang napapanood sa Eat Bulaga! at may Party Pilipinas pa siya kapag Sunday.
May panahon pa ba siya para sa kanyang sarili?
“Oo, siyempre naman. Kailangan may time ka for yourself. May time ka to rest.”
Enjoy raw si Solenn sa pagiging isa sa Dabarkads ng Eat Bulaga!
Very proud din siya na ang nasabing top-rating at longest-running noontime show sa bansa ay nagkaroon ng franchise sa Indonesia.
“Actually, kung part ako o hindi part ng Eat Bulaga!, proud Filipino ako kasi ito ang first Filipino show na may franchise abroad.
“So sana, after ng Indonesia, magkaroon din sa Thailand, sa Vietnam, and other countries pa.
“Kasi, bongga naman talaga ang Eat Bulaga!. Parang they give a lot to people that needed them. So dapat may gano’n sa Asia.
“Malaking bagay sa akin na maging part ng Eat Bulaga!. Mas napa-practice ang Tagalog ko do’n kasi ang bilis.
"Tapos may spiels naman, pero maraming adlib na free [flowing]. So parang kinabakabahan ako every time.
“Tapos yung sa 'Mr. Pogi' na may acting portion with the contestants. May story line lang pero walang script.
"So that’s why I get to practice ‘yong Tagalog ko.
“Until now, talagang kinakabahan pa rin ako sa paghu-host sa Eat Bulaga! Yeah, kasi hindi ako fluent sa Tagalog,” sabi ni Solenn.
No comments:
Post a Comment