Nagpaunlak sa isang interview ang youngest son ni Dolphy na si Vandolph Quizon sa The Buzz nitong Linggo, matapos ang pagdadalamhati niya sa pagkamatay ng kanyang ama. Matatandaang nung libing ng Comedy King ay halos hindi makausap si Vandolph dahil sa sobrang pagka-miss sa kanyang ama. “Honestly I miss my dad so much. Sobra. That’s why minsan yung damit niya inaamoy ko, mga ganun…Alam naman ng dad ko kung gaano ko siya kamahal,” sabi ng comedian sa panayam ni Boy Abunda. Dagdag pa ng aktor na hinahanap pa rin niya ang kanyang daddy paminsan-minsan. “Everything about him. His laugh, his jokes, his love. The way he tells me ‘Ganito porma mo dapat, ganito dapat.’”
Nakita daw sa panaginip ng anak ni Vandolph si Dolphy na matahimik nang namumuhay sa malayo kaya parang napanatag na ang loob niya, kaya’t mas nakakapag open up na siya ngayon ng kanyang nararamdaman sa pagpanaw ng ama. Marami ring fond memories si Vandolph about Dolphy at iba daw din kasi ang naging bonding nilang mag-ama. “Ginawa akong Panchito nun eh. Tinampal, tampal, batok, batok. Tsaka yung movies namin nag-hit. And malambing talaga ako sa tatay ko, para akong pusa.”
Nagbahagi din siya ng mga lessons na natutunan niya sa Comedy King. “Ang number one lesson naman sa amin lagi ng dad ko is keep your feet on the ground. Humility is the name of the game.” Madalas din daw ang paalala nito na mahalin nila ang kanilang mga trabaho. “Mahalin mo ang trabaho mo ngayon. Laging sinasabi sa akin ng tatay ko, ‘Always make people happy, so ako ganun ang gagawin ko talaga, pagpapatuloy ko yung pagpapatawa,” paliwanag ni Vandolph.
Sa aspeto naman ng pagiging isang ama, idol na maituturing niya talaga si Dolphy. “I’ll be a good father like my dad, kung paano niya ako pinalaki, ganoon ako sa mga anak ko.”
Nagbiro pa si Vandolph na ang di nga lang niya gagayahin sa kanyang tatay ay ang pagkakaroon ng 18 na anak. “Okay na ko sa apat,” natatawang sambit niya.
Anghel na daw ngayon ng pamilya Quizon si Dolphy kaya naman confident si Vandolph na he’s always looking after his grandchildren. “Lagi ko lang dinadasal, sa tatay ko, na sana bantayan niya mga anak ko, ilayo sa kapahamakan. ‘Wag na ipaulit sa mga anak ko mga pinagdaanan ko, lalo na when it comes to cars. Angel ko na siya ngayon, angel na namin siya. Sa lahat ng desisyon ngayon iniisip ko, ‘Kung ako si Dolphy, ano kaya gagawin ko?’”
Kinuha na din ni Vandolph ang opportunity para pasalamatan ang mga nakiramay at nagmahal sa kanyang daddy. “Thank you po sa lahat ng nakiramay at nagbigay ng dasal. Isipin lang po natin andyan lang siya sa tabi natin, magpapasaya ng buhay natin. I want to thank everybody for loving my dad so much.”

No comments:
Post a Comment