Friday, July 13, 2012

Vilma Santos Pinagdiriwang Ang 50th Anniversary kasabay ng suspense and horror Movie

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos ang kanyang 50th o golden anniversary sa showbiz.
At bilang pag-alala sa mahalagang okasyon na ito sa showbiz career ni Vilma ay ipalalabas sa July 25 ang bagong pelikula na pinagbibidahan niya mula sa Star Cinema—ang The Healing.

Sa presscon ng pelikula kagabi, July 13, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ay nagbiro si Ate Vi na nagkamali lamang daw sa numero ang bilang ng taon niya sa showbiz.
Pero ano nga ba ang pakiramdam na umabot na ng 50 years ang inilalagi niya sa showbiz industry?
“Malaking bagay… hindi ko rin alam na after 50 years… I started this since I was nine and after 50 years, ‘eto pa rin po ako sa inyong harapan.
“It’s definitely an achievement para makaabot ka ng 50 years in this industry—yun ho ang pinakabayad sa mga kontribusyong nagawa ko naman sa Pelikulang Pilipino.”
FOR A CHANGE. Marami ang nagtataka kung bakit isang suspense-horror movie ang napili ni Governor Vi na maging tema ng kanyang bagong pelikula, na nataon pa sa kanyang 50th anniversary sa showbiz.
Pero ayon sa actress-politician, siya mismo ang humiling na gumawa ng ganitong klaseng pelikula.
Kuwento niya, “Ako po ang matagal nang humiling kay Direk Chito [Roño] na gawan po ako ng horror movie.
“Siguro pagkatapos pa lang ng Feng Shui, nilambing ko na si Direk Chito, ‘Direk, baka puwede mo naman akong gawan ng isang suspense-horror.’”
Ang Feng Shui ay ang 2004 movie ni Direk Chito na pinagbidahan ni Kris Aquino at tumabo nang husto sa takilya.
Patuloy ng Star For All Seasons, “Kasi po, ang feeling ko naman ay parang yung role ko, parang pare-pareho na rin. So naghahanap ako ng may konting challenge, something new.
“Bihira naman akong gumawa ng pelikula… katatapos ko nung In My Life [2009]. Before In My Life, it was Dekada ’70 [2002]…
“So, parang naghahanap ako ng something new.
“At nung napanood ko yung Feng Shui, parang sabi ko, parang interesting, iba naman.
“So, hiniling ko yun kay Direk Chito. And it took us… ilang taon bago ko… nagawa ko na yung In My Life pa yata bago sinabi niya, ‘Vi, may script ako sa ‘yo.’”
Pero aminado ang multi-awarded actress na nahirapan siyang gumawa ng isang horror film, lalo na’t kadalasan ay drama ang tema ng mga pelikulang ginagawa niya.
“Ang hirap pala ng horror!” bulalas niya.
“Sabi ko nung sinu-shoot ko ‘to, ‘Direk, puwede ba i-drama na natin?’
“Kasi pati yung… alam n’yo naman kung gaano kametikuloso si Direk.
“He won’t settle for yung ordinaryong gulat na ‘pag ginulat ka, di ba, yung parang ‘Huh!’ ayaw niya. Ayaw niyang gano’n.
“‘Ba’t ka naninigas?’ sabi sa akin. Lagi akong pinapagalitan dun sa mga horror scenes!
“So sabi ko, ‘Direk, puwede bang i-drama na lang?’
“Alam n’yo dahil dun sa pagtapon-tapon sa aking ganyan, ‘Teka muna...’ nahilo po ako!” natatawang kuwento niya.
Pero bawi ni Ate Vi, “In-enjoy ko kasi iba naman, maybe because sa dami na rin ng pelikulang ginawa ko, naghahanap lang ako ng pelikulang makaka-challenge at makaka-inspire sa akin to work.
“Eto, ginawa sa akin ang The Healing. Talagang dumarating kami on time, masaya kami sa set…
“Target shooting days po nito to finish the movie 35 days and we were able to finish it, 37 days!
“Dagdag pa, itong horror movie na ito, not for anything, astig po yung mga kasama ko rito, hindi basta-basta.
"Because we all know kung gaano kagaling gumawa ng isang suspense-horror si Direk Chito Roño.”
DIREK CHITO. Ang The Healing ang ika-apat na pagkakataon na naidirek ni Chito Roño si Vilma Santos.
Una silang nagkasama sa Ikaw Lang noong 1993; sinundan ito ng Bata, Bata Paano Ka Ginawa? noong 1999 at Dekada ’70 noong 2002.
Paglalarawan ni Ate Vi sa kanyang direktor: “Si Direk isa sa pinakamabait, kundi man pinakamabait na kaibigan.
“Talagang game, e, kasi ano rin, jologs. Puwede mong biruin, you can talk anything and everything.
“Pero pagdating kasi sa set, walang sinu-sino sa kanya. Since he is the captain, alam niya yung ginagawa niya, wala kang choice but to follow.
“Ayaw niya yung ‘pag nandun na, nilalaro pa. Dun siya talagang… kahit sino ka pa.
“Ako nga nasigawan na rin niyan, e. Pero after that, friends uli kayo, puwede n’yong gawin lahat.
“Pero once nasa set, kahit sino ka, siya ang kapitan. At ayaw niyang naglalaro sa set.
“You have to be serious, kailangan alam mo ang ginagawa mo. Yun lang sa kanya.”
Naikuwento naman ni Direk Chito sa press na dumalo sa presscon ng The Healing, na noon daw huling shooting day nila ay sinabi raw sa kanila ni Governor Vi na: “‘Awww, nalulungkot ako, hindi na ako artista ulit.”
Pero alam daw ng direktor, sa puso ni Ate Vi, ay artista siya kahit isa na siyang pulitiko ngayon.
Sagot dito ng actress-politician, “Kasi ho mami-miss ko kayo, sa totoo lang.
“Kasi siyempre since In My Life, three years na naman bago ko ito nagawa.
“Kahit sabihin n’yo pong public servant ako ngayon, nasa dugo ko talaga yung pagiging artista.
“Kasi iba yung enjoyment ko ‘pag nagsu-shooting ako.
“Parang alam kong dito ako nabuhay, dito ako nag-umpisa. So yung inspirasyon no’n talaga nasa dugo ko.
“Kaya nga nung nag-last day kami, ‘Hindi na naman ako artista.’
“Ibig sabihin, ako’y magtatrabaho na ulit as public servant.
“Although, it’s also very fulfilling. Pero iba pa rin ang show business kung iku-compare mo."


HEALING. Dahil tungkol sa faith healer ang tema ng kanilang pelikula, tinanong ng Hot Pinoy Showbiz kung sa totoong buhay ba ay kokonsulta siya sa isang faith healer o albularyo kung meron siyang kundisyong medikal.
Pag-amin ni Ate Vi, nasubukan na niyang “magpagamot” sa isang albularyo o faith healer.
Kuwento niya, “Kung hindi ako nagkakamali, nung first time na nag-mayor ako, ‘tapos two weeks pa lang akong nagtatrabaho, I was hospitalized for three weeks, hindi alam kung ano yung sakit ko.
“Lahat na ng tests ginawa na sa akin, pero hindi malaman kung ano yung sakit na nanggagaling sa sikmura as having LBM [loose bowel movement] non-stop for three weeks.
“Lahat na ginawa na, ultimong AIDS test ginawa na sa akin that time! So, talagang wala.
“Yun pala, later on, nalaman nila na ang tawag pala do’n... parang irregular bowel syndrome.
“Kasi naiba yung sistema ng katawan ko pagkatapos ko ng showbiz, ‘tas biglang nag-mayor, ang agang nagigising…
“And then after that, dinala ako sa may tinatawag na isang healer para gamutin yung sikmura and may… hinipan dito sa ulo ko, meron yung papel na may sinusulatan, dinikit dito, ‘tapos dinikit din sa tiyan ko, ‘tapos dinasalan, ‘tapos hinipo yung paa ko, dinasalan.
“’Tapos, I got well after that.
“I mean, ginawa ko na yung medical, no harm, di ba?"
Dadag ni Ate Vi, “In our family, hindi naman masama, mga Katoliko rin kami.
“Pero mga kapatid ko, nagpupunta din sa ganyan kung minsan. May mga kasambahay na hinihipo raw sa paa… gumagaling sila.”
Ang healing ay hindi lamang nangangahulugan ng karamdaman kundi maaari rin itong tumukoy sa pinagdadaanan sa buhay.
Sa kaso ni Governor Vi, na-heal na ba siya sa mga pinagdaanan niyang ito at gaano katagal ang naging proseso nito?
“Ang dami ko nang naging sakit… hindi lang sakit literally, sa personal, sa buhay…
“Yes, palagay ko healed naman lahat maybe because I was able to recover.
“Even with my personal life, financial, career… lahat. I’m still here so healed lahat. And I thank God for that,” saad niya.
May regrets ba siya sa mga pinagdaanan niyang ito sa buhay?
“Wala… Kasi ‘pag iniisip ko na may mga ganun akong dinaanan, and then nakikita ko kung anong meron ako ngayon—tinuruan ako nun, e.
“Kaya lang, maybe because nagamit ko nang tama.
“Talagang dumating ako sa point na talagang pinakamababa, talagang hirap, talagang kailangang lumaban.
“Pero it’s a matter of acceptance.
“Tinanggap ko yun, trinabaho ko, and I think nakuha ko yung right path, and siguro kahit papaano, naka-recover ako.
“And talagang sa totoo lang po, may prayers. Kasi ‘pag hindi ko na kaya, isa lang ang sinasabi ko: ‘Lord, take over.’
“Kasi hindi ko talaga kayang mag-isa. But I was able to recover.”

No comments:

Post a Comment