Kapansin-pansin na nga ngayon na kapag napapanood natin si Yeng Constantino sa kanyang mga shows, concerts at guesting sa TV ay ibang-iba na ang kanyang mga fashion choices sa Yeng na nakasanayan natin matapos niyang manalo sa unang Pinoy Dream Academy. Madalas na nga siyang makita ngayon sa cover ng iba’t ibang mga fashion magazines na kinakikitaan ng bagong confidence. “Siguro mas naging comfortable lang ako sa sarili ko ngayon kasi before parang feeling ko lagi para akong adik na lahat ng tao nakatingin sa akin saka ang feling ko kinikilatis ako na hindi naman pala. Kung ano pala yung inooffer ko sa tao they appreciate it or will reject it. Not everybody will like you para matanggap ko na yun finally na uy I cannot please everybody. Actually every year dinedeal ko yun sa sarili ko pero ngayong taon, iba talaga,” chika ni Yeng.
Inamin din ni Yeng dati na nasasaktan siya sa lahat ng mga kritisismong nakukuha niya pero ngayon ayon sa kanya mas naging malawak na ang pang-unawa niya dito, “Yung style ko, yung mga tinatry kong ginagawa na style ng fashion so yun mas naging comfortable ako tapos pagdating sa criticisms hindi mo na masyadong nilalagay sa burden ng heart mo yung they don’t like me. Dati sobrang crybaby na bakit hindi nila ako gusto tapos iiyak na lang ako sa bahay, ang pangit ng damit ko di ako marunong. So ngayon ah hindi bagay sa akin yung ganun so next time hindi ko na gagawin.”
Edgier at mas risk-taker na Yeng na nga ang makikita natin ngayon na inamin niya maging sa personal niyang buhay ay ganoon na rin ang kanyang motto. “I think this is a brand new season for me, this is a season for me as an artist, iba talaga ang season. My musical influences nag-iba sobrang nag-iba nakikinig ako ng techno music na sobrtang iba dun sa sounds ko pero gusto ko talaga and sa fashion parang gutso ko yan, gutso ko ito, parang umaavante garde di ako yun pero brand new season ngayon., mas nagtatake ako ng risk.”
Pinabulaanan din ni Yeng na kaya siya nagkakaroon ng ganitong reinvention ay gusto niyang mas umangat sa mga ka-contemporary niya sa showbiz. “No kasi kung ganun mukhang may prinoprove ako. Siguro ang drive ko gusto kong maging exciting ako sa sarili ko, gusto ko maexcite na ayoko na isang flavor lang parang mismo ako as an artist. Ganito yun e, naniniwala ako na pag ikaw mismo sa sarili mo nag-e-enjoy ka, your audience will also enjoy pero kung hindi, mararamdamn nila na something is wrong with you kaya ngayon ine-enjoy ko na parang iba siya ah gawin ko kaya yun siguro yun yung nagddrive sa akin, ayaw ko mabore si Yeng sa sarili niya saka yung mga taong nakikinig sa akin they will hear something new and see something new. Gutso ko talaga na ayaw kong ma-bore sa sarili ko.”

No comments:
Post a Comment